Chapter 23

3.5K 84 8
                                    

The Lost Dragonair

by Kleocy01/Kristel Stephanie

CHAPTER 23

JAMES POV

Thursday.............

Nandito ako sa loob ng kuwarto ko sa ancestral home namin.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan yung babaeng nakabangga sa akin sa corridor.

Yung hugis ng mukha niya, yung ilong yung mga mata niya, ang

kulay ng buhok niya, kamukhang-kamukha niya si... Shit! Ni hindi ko nga masabi ang pangalang eh! SHIT Lang...

Nang makita ko yung babaeng yun, bumalik sa akin lahat ng sakit.. lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

Bakit ko pa siya kailangang makita? Bakit ko pa kailangag maalala yun? Yung alaalang sana naibaon ko na sa limot..

Hindi ko namalayang umaagos na pala yung luha ko... Pero wala akong pakialam.. Iniisip niyo sigurong ang bading ko. But real men cry, lalo na kung..

All these years, nangako akong hindi na ako iiyak. Hindi na ako iiyak ng dahil

lang sa isang walang kuwentang Babae! Nang dahil lang sa kanya!

Nang dahil lang sa walang kuwenta kong INA!!!! Napahagulgol nalang ako sa iyak...

Labin limang taon, labin limang taong hindi ako nakaranas ngpagmamahal ng isang ina.

labin limang taong hindi ako nayakap o nahagkan ng aking ina. Labin limang taon kong

kinikimkim ang galit sa puso ko. Anong kasalanan ko sa kanya at iniwan niya ako? At iniwan niya kami ng daddy ko?

Isang taon lang ako nun. Musmos pa at wala pang alam.

Nung dalawang taong gulang lamang ako, nagising akong biglang hinahanap ang aking ina. Dalawang taon ako nun pero naaalala ko parin.

Naaalala ko lahat, bawat salita na binigkas sa akin ng aking ama.

"Anak, iniwan tayo ng ina mo, at hindi ko alam kung bakit. Iniwan niya tayo, pero kailangan nating maging matatag. Nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwanan. Alam kong hindi mo pa naiintindihan ngayon at sana balang araw maiintindihan mo rin. Mahal na mahal kita James"

Pagkatapos niyang sambitin ang mga salitang yun, hindi ako umiyak, ngunit pagsapit ng gabi, hindi ako makatulog dahil sa kakaiyak ko.

Bata ako nun, nangungulila sa aking ina.

Ang sakit lang. Sana pinalaki muna niya ako bago niya kami iwanan, para naman naramdaman ko sana ang pagmahahal niya..........

Yun ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa blonde. Blonde ang mommy ko. Half-American siya. sa kanya ko nga nakuha ang buhok ko eh. Oo blonde ako, pero nagpakulay ng buhok para sa tuwing titingin ako sa salamin, hidi ko na siya maalala.

Nung makita ko si Athena sa park, akala ko siya ang mommy ko,nagalit ako, nainis, nasaktan kaya agad kong hinablot ang bola ng isang bata at inihagis sa kanya. Pero nagkamali ako, dahil hindi siya yun.

At ang pinakamasaklap, nung nakita ko yung babaeng yun sa corridor, kamukhang-kamukha niya si mama.

Alam ko ang itsura niya sapagkat may ibinigay sa akin si Daddy, bukod dun, may portrait pa siya sa kuwarto nila. hidi man sabihin sa akin ni Daddy, alam kong nasasaktan parin siya hanggang ngayon. Pero yung babae, anak niya kaya yun? kapatid ko kaya yun?

Mas lalo akong napaiyak sa isiping yun. Shete lang YaK ...Si James Martinez? Umiiyak? Ang bading men shet lang...

Agad kong pinunasan ang luha ko at naghilamos sa banyo.

DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon