CHAPTER 36

2.8K 83 3
                                    

The Lost Dragonair

by Kleocy01

Chapter 36

FLOYD'S POV

"I'm sorry kung nagabihan tayo ah. Si Nica kasi eh, masyadong natuwa na nakilala ka. Nasira tuloy yung plano ko" sabi ko kay Cara. Kagagaling lang namin sa Cafenitan at heto nga, 8 pm na kami nakaalis doon. May fireworks display pa naman akong naipahanda kay Ricky. Sayang. Pero hindi na bale.

"Its okay. Natutuwa nga rin ako sa kapatid mo eh. Ang hyper masyado. Nahahawa tuloy ako sa energy niya." masayang pahayag ni Cara.

"I'm glad na nagkasundo kayo agad" sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakita ko naman nagblush siya. Lalo tuloy siyang gumanda.

"Madali naman kasi siyang makasundo eh"

"I love you Cara" lalo siyang pumula.

"Ano ba yan Floyd. Teka, ano nga uli yung aaminin mo sana?" pag-iwas niya sa sinabi ko.

"Well, may hindi kasi ako sinasabi sa inyo ni Athena eh"

"Ano iyon?"

"About sa past ko" tumingin ako sa kanya.

"Ano naman ang tungkol doon?"

Tumikhim muna ako bago nagpatuloy.

"Naaalala mo ba nung tinanong ako ni James kung kaanu-ano ko si Rico Montes?"

"hmmn. Oo. Teka, Rico? Yung model yun diba?"

"Yeah and he is also my brother"

Gulat na napatingin siya sa akin ngunit hindi siya nagsalita. Naghihintay ng sasabihin ko.

"Bago ako pumasok sa school ninyo, dati akong nag-mo-model dito sa Pilipinas at sa iba't ibang bansa. Ako, si Kuya at si Nica ay iminulat na ng aming mga magulang sa fashion industry at showbiz."

"Wait, model? Montes..You are Franco Montes?" napalakas na sabi ni Cara.

"Yes"

"Kaya pala biglang nawala noon si Franco! I mean ikaw!"

"Yeah."

"Pero bakit?" tanong nito.

"There was an incident na nagpalayo sa akin sa pagiging model. Because of my popularity and money, nasaktan ako nang sobra sobra ng first love ko. Kaya pinili kong mabuhay ng normal, pumasok sa ibang University at nagpanggap na nerd. Hindi ako nagtiwala sa iba maliban lang sa sarili ko at sa family ko. Wasted na wasted ako that time until I met you. Ngunit wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa buhay ko because you showed me another view of life. Kaya nagpapasalamat ako kasi nagkaroon muli ako ng chance na maging masaya. And I thank you for that."

Napansin kong nangingilid ang luha niya. Bigla niya akong niyakap kaya't niyakap ko rin siya pabalik.

"Bakit mo sinabi sa akin ang mga iyon?" tanong niya nang naghiwalay na kami ng yakap.

Napangiti ako at hinawakan ang chin niya. "Because I don't want to pretend and lie to you anymore, my love"

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at napasimangot. "Binobola mo naman yata ako eh"

"bakit naman kita bobolahin?"

"Eh kasi naman hindi ako makapaniwala na-"

"Na mahal kita?" pagputol ko sa sasabihin niya.

Marahan siyang napatango.

"Bakit hindi ka nalang maniwala?"

"Pero bakit ako?"

"Hindi ko alam. Maybe because, you are special?"

"iihhh"

"kinikilig ka no?"
Umirap siya.

"O siya, pasok na ako sa bahay namin. Salamat sa treat at sa paghatid Floyd."

Bubuksan na niya sana ang pinto nang pigilan ko siya.

"May isa pa akong tanong"

"Ano iyon?"

"Can I court you?"

"Floyd kasi, si Inay-"

"Don't worry, nasabi ko na sa kanila"

"Eh-"

"Is it a yes or no?"

Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at saka ngumiti ng malapad.

"Bye Floyd"

"I'll take that as a yes then. Good night Cara"

With that, masaya akong nagdrive pauwi.

------------------------------

CARA'S POV

Nang hindi ko na matanaw ang kotse ni Floyd, pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Grabe talaga ang mga nangyayari. Grabehan mga impormasyon ang nalaman ko ngayong araw na ito. Una, mahal ako ni Floyd. Pangalawa, nalaman kong dati siyang nag momodel! Pangatlo, siya lang naman ang dati kong hinahanggan na si Franco Montes. Floyd Franco Montes! Bakit hindi ko naisip yun! At ang huli? Si Floyd Franco Montes ay nanliligaw sa akin! Shet! Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti at kiligin. Information overload!

"O Cara, kanina ka pa hinihintay ni Sky" bungad sa akin ni inay.

"Hindi ka galit inay?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi nagabihan ako?"

"Wala namang nakulangan sayo o naidagdag, wala akong ikagagalit."

O-kay?

Bumaling ako kay Sky na nanonood ng TV kasama si itay

"O Sky? Bakit ka napadalaw?"

"Ah Cara, nandiyan ka na pala" tumayo siya at lumapit sa akin. "Can we talk?"

"o sige"

"Alone?"

Tumingin ako kina itay at inay, nag go sign lang sila.

"okay, tara sa kusina"

"sa labas nalang"

"Sige"

Nang makalabas na kami.

"So anong sasabihin mo at kailangan pa talagang sa labas tayo mag-usap?"

"Cara, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Huwag mong sagutin si Floyd."

"What?"
-----------------------------

To be continued


DRAGONAIA: The Lost Dragonair (To be Edited soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon