***Not on my plan***
Erin's pov
Pumasok na ako sa school. As what I expected, ako ngayon ang head of the news.
Napadaan ako sa bulletin board ng students at napangiti naman ako sa mga nakikita ko. Some pictures during the party. At isa na dun si Maisha ng sirain ko yung damit niya.
"WTH?!" agad na pumunta si Maisha at pinagtatanggal ang pictures na nakalagay dun.
"Ow, Maisha... Good morning" at ngumiti ako sa kanya ng matamis para mas pang-asar.
"Erin, sumusobra ka na ah."
"Sobra na ba? Naguumpisa pa nga lang ako. Wag ka magaalala, baka sa susunod aapaw na" at nag-wink ako sa kanya bago umalis.
Ngayong alam na nilang lahat, unti unti na ding babagsak si Maisha. At di na ako makapag-hintay na makita siyang umiiyak...
"Erin!" napahinto naman ako sa paglalakd ng may humawak sa balikat ko. Si Shone.
"Buti nandito ka na..."
"Hindi. Wala pa ako" sarkastiko kong sabi.
"Grabe ka ah! Nagulat ako sayo pati mom ko. Kapatid mo pala si Maisha?" tanong niya.
"Pumunta ka diba ng party? Ano sa tingin mo?"
"Kaya pala nung sinundo kita dati doon ka nakatira..."
"Well, kasalanan ko bang slow ka at di mo naisip yun?"
"ERRRRRRRINNNNNNN!!!!!"
Isa pa tong maingay =.=
Errr......
"Grabe ka Erin! Pinaiyak mo ako dun sa party. Di ko alam na ganun pala ang pinagdaanan mo... Grabe talaga" malungkot na pagkakasabi ni Vergy.
"Di ko alam kung matutuwa ba ako sayo o hindi eh. Una sa lahat ayoko ng kinakaawaan ako. Pangalawa di kita pinapunta doon para iyakan ako! Kung di ka lang talaga tanga eh noh?!" naiinis na sabi ko.
"Hehe joke lang naman. Iba na nga lang ng topic! Baka magalit ka pa ehh" naka-pout niyang sabi.
"Nasan na nga pala ang pinagmamalaki mong boyfriend?" biglang tanong ni Shone. Nanlamig naman sa kinatatayuan niya si Vergy.
"Ha-ha-ha-ha" ang pangit na nga mukha pang tanga psh!
"Magkaaway kayo? That's nice!" sabi ko.
"Anong nice dun? Ayaw na nga niya ako pansinin. Kasi ikaw eh!" aba nanisi pa to?
"Gusto mo tulungan kita magkabati kayo?" at bigla naman siyang ngumiti na unti nalang mapunit yang bibig niya.
"oo. Miss ko na si Aldrin ko ehh ^3^"
"Binabawi ko na. Mas gusto kong magka-away kayo"
"Hala naman? TT^TT"
"Subukan mo kasing baguhin yang itsura mo ng matuwa naman ako sayo" tapos iniwan ko na silang 2 nerd dun. Bahala sila magkaintindihan diyan...
-----
"Okay class, since alam niyo na kung sino ang top 10 here in school.. expect their performances on the showcase next month" sabi nung music teacher.
"So its up to you on what talent you'll be doing but don't you dare dissappoint us. There will be a lots of media on the showcase so better make your talent the best of all." psh. Para siyang si Maisha, napaka-perfectionist. =.=
Habang nag-didiscuss yung babaeng yun, umubob muna ako sa desk pero nakikinig ako. Para naman di ako magmukhang tanga pag nasa stage na ako.
Self choreoghraphy daw kapag sasayaw tapos pag kanta naman, better kapag self compose ang gagawin. It depends kung kukuha kami ng back up or solo lang talaga kami. Napaka-ano naman ng school na to -.-
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
RomanceSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.
