Chapter 14

1.8K 27 5
                                    

***Just a dare***

Erin's pov

"Ano ba?!" sigaw ko kay Vergy ng bigla niya akong hilahin at tumakbo papunta sa kung saan. Nakakairita talaga siya! Masyadong feeling close!

"Tabi tabi! Patabi!" sabi ni Vergy habang nakikipagsiksikan sa mga kumpulan ng tao sa harap ng announcement board.

Nung nakita nila ako, agad silang nag-bigay ng daan. Napangiti nalang ako sa ginawa nila.

Tumingin ako sa announcement board pero napatigil ako ng marinig ko ang samut saring bulungan nila at mga titig. Nakakairita! -.-

"OMG Erin! Nakalista ang pangalan mo!" halos mabingi naman ako sa sigaw ng nasa tabi ko. Tumingin ako sa announcement board.

"Top 5..." bulong ko sa sarili ko. 

"Grabe! First time ata to. Transferry ka lang nakapasok ka agad sa top samantalang ako wala pa din" naka-pout na sabi sakin ni Vergy.

"Ang pangit mo daw kasi" at ngumisi ako sa kanya.

"Gosh! Still on the top girl!" narinig kong sabi ng nasa bandang kanan ko. Paglingon ko, nakita ko si Maisha. Tumingin ulit ako sa announcement board at halos kumulo ang dugo ko ng makita ko ang name niya as top one of this school.

Tumingin ulit ako sa kanya at napansing napakunot ang noo niya.

"Top 5 si Erin?" narinig kong bulong ni MAisha.

"Nagulat ka ba?" mapang-asar kong tanong. Tumingin siya sa akin na para bang nagulat na nandito pala ako.

"Wag kang mag-aalala, mawawala din ang pangalan mo diyan" at nag-smirk ako sa kanya bago umalis.

----

"Imposible talaga to ehh. Paano siya agad naka-pasok sa ranking?"

"Yeah right. Hindi naman niya deserve yun"

Naiyukom ko nalang ang mga palad ko ng marinig ko ang bulungan ng dalawang babae na nasa likod ng upuan ko.

Sinusubukan kong makinig sa teacher pero hindi ko magawa dahil sa mga epal na nasa likod ko!

"Baka nilandi ang direktor ng school"

"Oo nga. Halata namang flirt yan ehh. Lahat ng boys dito nilalandi kaya posibleng pati si Mr. Choi eh galawin niya din"

This time, napuno na talaga ako. 

Dahan dahan akong tumayo at sinigurado kong tumunog yung silya ko para mapansin nila akong lahat. Gusto ko kasing makita nilang lahat ang gagwin ko sa dalawang babaeng to.

"Ako flirt? Haha! Are you talking to yourselves? For your information, masyado lang akong maganda! At ang mga magaganda, hindi na kailangan maglandi para mapansin ng mga lalaki dito. Kung magbubulungan din naman kayo sa likod ko, sana naman sinugurado niyong may mukha kayong ipapanlaban! Napaghahalataan lang kayong bitter ehh" matalim na pagkakasabi ko sa kanila. Nagcrossed-arms naman yun isa habang nakataas yung kilay ng isa pa. 

"Bakit ba? Totoo naman diba? You don't deserve that rank!" sabi nung nakataas ang kilay na unti nalang ehh papaiyak na.

"Eh ikaw? Deserving ka ba?" sabay pamewang ko.

Bigla namang tumayo yung naka crossed-arms at humarap sakin.

"Excuse me, transferre ka lang dito pero ang yabang mo na!"

"Yun na nga eh! Transferre lang ako dito pero nakapasok ako agad sa ranking. Nakakainggit diba?"  at nag-smirk ako sa kanya. Naramdaman ko na ang pagkainis niya sa mga sinasabi ko. 

She Dance Like a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon