***Boyfriend***
Erin's pov
"Sakay" utos ko sa kanya.
"Dyan?" sabay turo niya sa motor ko.
"Bakit may angal ka?" tanong ko pagka-upo ko.
"Pero may sasakyan ako"
"Di tinatanong. Oh!" at hinagis ko sa kanya yung helmet ko.
"Pano ka?" tanong ni Shone.
"Isuot mo na!" at mabilis pa sa alas kwatro na sinuot na nga niya yung helmet niya pero tinanggal muna niya yung eye glasses niya.
"Sakay" at sumakay na nga siya sa likod ko.
Pinaandar ko na yung bike ko hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng school.
"WAAAAAAAAAHHHHH" sigaw niya. Unti nalang talaga iisipin ko ng bakla to eh.
"Wag ka ngang sumigaw!" at mas pinabilis ko ang pagpapatakbo ko.
"Bagalan mo naman. Hindi naman to pabilisan" arte niya.
Di ko nalang siya sinagot. Pake ko kung nabibilisan siya sa pagmamaneho ko. Di ako sanay pag mabagal.
Wala pang 30 minutes na nakarating na kami sa mall.
Tinanggal na niya yung helmet at binigay sakin.
"Grabe! NAhihilo ako" at nag-act siya na nahihilo. May pagewang-gewang pang nalalaman.
"Not funny" at bumaba na ako sa motor ko at tuloy tuloy na pumasok sa mall.
"Di naman to mabiro."
"Whatever" and I rolled my eyes.
"Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya. Napahinto naman ako sa paglalakad.
"Seriously hindi mo alam?!" di makapaniwalang tanong ko. Halos lahat ng lalaki sa school kilala na ako siyempre maganda ako.
"Hehe. Si Mizzy lang kasi laman ng utak at puso ko eh" at tinuro niya pa yung utak at puso niya. He's giving me goosebumps! Yuck!
"Ang corny mo. I'm Erin"
"Bakit kasi ayaw mo ngumiti?" tanong niya ng naka-ngiti. Para siyang si nerd. Tae! Bakit ko ba naiisip yung babaeng yun?!
"At bakit ako ngingiti?" pumasok ako sa loob ng salon.
"Aw!" iling ni Shone kasi nauntog siya nung sinara ko ng malakas yung pinto. Malay ko bang babagal bagal siya diyan.
"Good afternoon ma'am, sir" bati nung babae.
Umupo ako sa isang salon chair kaya umupo din si Shone sa tabi ko.
"Mag-papagupit po ma'am?" tanong nung bakla sakin. Tiningnan ko siya sa salamin.
"Ano sa tingin mo? Salon to diba?!" sagot ko.
"Uhm.. Ano pong style ang gusto niyo?"
"Just trim it" sabi ko at nag-nod naman yung bakla.
Tumingin ako sa katabi ko na nakatingin din pala sakin.
"What?!" -ako.
"Ano daw style ng gupit ko?" lumapit pa siya sa tenga ko para ibulong yan. Tsk!
Tinitigan ko siya for seconds saka tumingin sa hair stylist.
"Gawin mong brown yung buhok niya at lagyan niyo ng bangs" nag-nod naman yung hairstylist.
"Siguraduhin mong maayos ang gagawin mo kundi ako ang gugupit sayo"
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
Roman d'amourSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.
