***Talent exams***
Erin's pov
"Oh my! Oh my God!"
Agad na humiwalay sa halik si Shone ng may nagbukas ng pinto.
"Mom?!"
"Omo omo! Di ko sinasadya makita yung anuhan niyo..." sabi ng mom niya daw at parang uod na di mapakali kung saan pupunta.
"Stay here" utos niya sakin. Tae! Ako pa ang inutusan...
"Mom, hintayin mo nalang ako sa labas." at isinara ni Shone at ang pinto.
"Wait! Shone, anong gagawin mo? Sino yang babaeng yan?"
"Wait lang mom!"
"Anong gagawin niyo sa loob?"
Agad namang kumuha ng damit si Shone sa closet niya at tatanggalin na sana ang twalyang suot-suot niya ng magkatitigan muna kami.
"What? Magbibihis ka sa harapan ko?" sabay smirk ko.
"Aish!" napakamot naman siya sa ulo atsaka pumasok sa loob ng cr.
Maya maya, lumabas na din si Shone sa cr at pumunta na kami sa sala.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong agad ng mom niya. Infairness may itsura nanay neto ah. Kahit papaano pala mga mukhang tao din ang lahi ni Shone.
"Mom! Nagbihis lang ako saglit" paliwanag ni Shone.
"Eh sino siya? Bakit kahalikan mo yang babaeng yan?"
"She's Erin. Kaibigan ko lang yan"
"Eh bakit---"
"Mom stop it! we're just friends okay?"
"Fine! Pero make sure na wala kayong relasyon ahh. Kundi malalagot tayo sa Jalnaez family"
"Alam ko yun mom. Si Mizzy ang mahal ko at tuloy ang marriage namin. Wala kayong dapat ipag-alala"
"By the way, Erin right?" sabi sakin ng mom niya.
"I'm Eliza. Shone's mom but you can call me tita" nakangiti niyang sabi sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Not interested" at humikab pa ako para mas pang-asar. Bigla naman akong sinikuhan ni Shone kaya tinignan ko siya ng masama.
"Hahaha. I like your attitude huh. Magkakasundo tayo." at itinaas niya yung right hand niya na parang makikipag-apiran sakin pero inirapan ko lang siya.
Nakakairita talaga yung mga magulang na feeling bagets! Duh... pwede bang mag-act sila sa babagay sa edad nila?
"Nga pala, where are you studying hija?" tanong niya. Ano ba to? Bakit kailangan nioya pa malaman yun?
"Same school kami mom. Siya yung nakwento ko sa inyo dati na nag-make over sakin" kwento ni Shone.
"Oh really?" gulat na gulat na sabi ng mom niya tapos biglang hinawakan yung kamay ko habang nakangiti ng malapad.
"You're so kind hija. Alam mo bang napakamahiyain ng anak kong to pero simula ng nagbago ang itsura ehh tumaas ang self confidence niya. Kung hindi lang talaga engaged tong anak kong to, baka sayo ko na siya pina-arranged. Hahaha" tuwang tuwang sabi ni Eliza. I'll just call her on her own name. Di naman kami close para tita itawag ko diyan.
"Mom..." sita sa kanya ni Shone.
"Don't worry son. Saka nakita ko na nga kayong magkahalikan ehh. Kung may tinatago man kayong relasyon, wag kayong matakot mag-open up sakin. Di ko ibubunyag ang secret niyo. Hahaha" at hinampas niya pa ako. Ang saya niya hah!
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
Roman d'amourSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.
