Chapter 22

1.7K 32 14
                                    

***Irritated***

Erin's pov

"Erin!" argh! Eto na nga ba ang sinusumpa kong pagkakataon...

Nilingon ko si Ethan.

"Sabay tayo. Remember our deal?" tapos tinaas taas niya yung kilay niya habang nakangiti. Nakakakilabot yang itsura niya!

Naglatuloy na lang ako sa paglalakad at sumunod naman siya sakin.

"Walang response? Napipe ka?"

"Anong gusto mong sabihin ko? Dont worry.. marunong akong tumupad ng usapan pero wala naman sa usapan natin na dapat kitang kausapin" sagot ko habang naglalakad papuntang cafe ng school.

"Lahat nalang may dahilan ka..." sabi niya.

"Marunong kasi akong gumamit ng utak"

"So ako hindi?"

"Ikaw na ang nagsabi..." nilingon ko siya saglit at nakita kong sumama yung mukha niya. Psh!

Bumili na kami ng foods at umupo.sa bakanteng table. Napansin ko pang pinagtitinginan kami ng mga tao ang I hate it!

"Nakaslubong na naman yang kilay mo?" tanong niya habang ngumunguya. Eeeew!

"Gusto ko silang sapakin lahat!" sagot ko at bigla siyang nabulunan

*cough cough*

"M-mananapak ka?"

"Bakit? Bawal ba sa babae ang manapak?!" sabay kain.

"Di naman. Hayaan mo nalang yan... di ka pa ba sanay? Halos araw araw nga kitang naririnig sa buong school. Kung di nakipagsagutan, nanapak naman ng tao" sabi niya.

"Well that's me" then I rolled my eyes.

"Kaya nga interesado ako sayo ehh" napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya. I give my sarcastic look.

He's interested to me?

Psh! Not a big deal...

"Akala ko ba sila Keen at Mizzy ang nagde-date? Napapadalas ata pagsasama nila ni Erin?"

"Oo nga. Baka isa si Keen sa mga boys na nilalandi niya here in WIAS"

"Aww. Alam ba to ni Mizzy?"

"Don't know. Kainis! Bakit diyan pa sumasama si Keen? Di ba niya alam na isang bitch yang babaeng yan?"

Naibagsak ko naman ng malakas yung hawak kong kutsara't tinidor. May naririnig na naman akong usalan tungkol sakin at nasa likod ko lang sila!

Mukhang nagpaparinig pa...

"Right girl. Kalat na nga sa school lahat ng kalokohan niyan ehh. Di talaga ako makapaniwala na sisters sila ni Maisha"

"Yeah right! From angel to devil. Tss... ganun talaga siguro kapag black sheep in the family... Mga walang magawa sa buhay"

Naiyukom ko na ang mga palad ko. Mukhang nakahalata na rin si Ethan dahil napatigil siya sa pagkain.

Ayoko pa naman na pinagkukumpara ako kay Maisha!

Angel? Si Maisha? Huh! Babawiin niyo rin yang tingin niyo sa babaeng yun.

"For sure baka sa nanay yan nag-mana! Baka malandi din yung mom niya. You know... like mother like daughter haja!"

Galit na talaga ako!

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh yung dinadamay ang mom ko lalo na kung sisiran pa siya.

She Dance Like a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon