***Attention***
Erin's pov
Bigla akong napabangon sa pagkakatulog. Napahawaka ko sa ulo ko, sumasakit na naman...
Napaginipan ko na naman ang mga nangyari noon...
"Ayoko na sabing maalala kayo ehh!" at bigla kong naihagis ang alarm clock na nasa side table ko.
"Arghhhh!!!" binagbabato ko ang mga gamit na nasa kwarto ko. Umaga na din, for sure gising na ang iba dito sa impyernong bahay.
Yung kagabi... sht lang! Hindi ko matanggap na nakita ako ni Ethan na malapit ng lumuha. FCK FCK FCK! Hindi ko hahayaan na dahil lang sa bangungunot na yun ang magiging dahilan ng mga luha ko. Seven years akong naging cold. Seven years since huli akong umiyak. At ayokong magbago yun...
-----
Pumasok na akong school. Medyo maaga pa kaya umupo muna ako sa ilalim ng puno dito sa may field. Kinuha ko naman ang cellphone ko at isinaksak ang earphones sa tenga ko. Pumikit ako habang nakikinig sa musics.
Maya-maya, bigla akong napadilat ng maramdaman kong may tumabi sakin at tinanggal ang isang earphone na nasa tenga ko. Paglingon ko sa kanan ko... si Shone na sinasaksak sa tenga niya ang kabilang part ng earphone ko.
"Pa-share ahh" nakangiting sabi niya tapos ginaya niya yung pwesto ko; sumandal din siya sa puno at pumikit. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
♪♪ I'm broken
Do you hear me
I'm blinded
Cause you are everything I see
I'm dancing, alone
I'm praying
That your heart will just turn around ♪♪
"Erin... nagkaroon ka na ba ng one sided love?" out of the blue niyang tanong. Sinasabayan niya pa ang kadramahan ng kanta.. so gay -.-
"What if I do? May magagawa ka ba?" I just found myself answering back. Nasa isip ko lang dapat yun eh!! Potek bakit ko nasabi?! =.=
♪♪ And as I walk up to your door
My eye turns to face the floor
Cause I can't look you in the eyes and say ♪♪
"Weh?!" bigla siyang napadilat at napatingin sakin.
"I said 'what if'. You're over reacting psh"
"Akala ko pa naman. Pero seryoso, nakailang boyfriend ka na?" tanong ng nakatingin sa mga mata ko. Ugh.. weird feeling again.
♪♪ When he open his arms
And holds you close tonight
It just won't feel right
Cause I can love you more than this, yeah ♪♪
"Tatlo" sagot ko.
"Oh... bale nakatatlo ka na ding heartbreak" sabi niya na parang sobrang big deal ng nalaman niya. Actually nga, baka maging apat na =.=
"Buti hindi ka naging man hater" sabi niya.
"Bakit kailangan ko bang maging man hater?" at tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi naman. Kasi kapag madami ng heartbreaks.. yung ibang babae nagiging man hater"
"Im different Shone. Hindi ako kasing babaw nila. And duh! Never akong naging bitter sa mga ex ko kaya hindi ko gagawing dahilan yun para kamuhian lahat ng lalaki. Though alam kong karamihan ng mga lalaki ay g*go" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4049121-288-k874288.jpg)
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
RomantikSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.