***Like at first sight***
Erin's pov
"Where have you been?" napahinto naman ako sa paglalakad paakyat sa kwarto ko ng may nagsalitang matanda. Biglang bumukas ang ilaw at lumantad sakin ang magaling kong ama.
"Sa pinuntahan ko" malamig kong sagot. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"What a shame Erin. It's already 3 in the morning! At mukhang naka-inom ka pa. At ano na naman yang itsura mo?!" naiyukom ko nalang ang mga palad ko.
"So what if it's already 3 in the morning? May batas ba sa pinas na bawal ng umuwi ng ganitong oras?! At wala kang pake kung nakainom ako ngayon. This is my life and you're not part of it! At wag na wag mo akong pagsasalitaan about my looks! This is me and I will wear what clothes I would like to wear!" singhal ko sa kanya.
*SLAP*
Sinampal na naman niya ako...
"Ano?! Sasagot ka nanaman bang bata ka?! Wala ka na talagang ginawa na ikakasaya ko!" sabi niya habang nakatitig ako sa kanya ng matalim.
"Hindi naman ako sasagot. Hinihintay ko lang kung may iba ka pang gagawin bukod sa sampal mo. Remember? You used to hit me when I was a kid. At wag kang umasa na gagawa ako ng bagay na magpapasaya sayo dahil ikaw mismo, wala akong nakitang bagay na nagawa mo na nagpasaya man lang sakin!" at tumalikod na ako sa kanya saka dumiretso sa kwarto ko.
"ARGH!" napahiga nalang ako sa kama. Medyo pagod ako ngayon...
Badtrip na nga ako sa gang fight namin pagdating dito babadtripin na naman ako ng matandang yun.
*Flashback*
"May bago ata kayong kasama?" sagot nung isang lalaki ng gang na nasa harap namin.
Nasa HG kami na madalas tambayan ng mga gangster. Dito may mga pustahan about sa liveshow na gang fights. Potek! Di man lang ako sinabihan na dito pala gaganapin yung laban.
"Bagong kasama? Saan?" tapos lumingon lingon pa si zarth (Gray) sa paligid na parang naghahanap. Tss baliw talaga.
"Tangn* ayan nasa tabi mo oh!" sagot nung lalaking kalaban.
"Tangn* mo din wala naman kaming kasama" sabat ni zero (Neil)
"G*ago kami ba pinagloloko niyo?!"
"Eh g*go din mukha kasi kayong mga loko-loko. Nagiilusyon lang kayo mga dre! Baka mamaya multo pala yang nakikita niyo" sabay ngisi ni Dark Prince (Lou)
"P*ta------"
"Ano ba?! Magsasagutan nalang ba kayo diyan? Gang fight to diba?!" sigaw ni Lady Flame (Eli)
"High blood na naman ang isang to. Para man-trip lang. Tss, di pa nakisakay..." -Soulseeker (Jun)
"Eh kung ikaw kaya ang sakyan ko?!" -Lady Flame (Eli)
"Oy gusto ko yan. Mamaya sakyan mo ako ahh wahaha!" tapos nag-apiran sila ni Dark Prince. Tss mga ano mag-isip!
"Peste kayo! Kayo uupakan ko eh!" -Lady Flame
"Shut up guys! Kung simulan na kaya ang laban? Naiinip na ako oh!" maarteng sabi ni Killer doll (Tin)
"Hot masyado. O sige seryoso na.. Kayong mga bata umayos kayo ah! Pag tayo natalo sa pustahan walang manlilibre pang-bar mamaya" sabi ni zero.
"Potek ang tagal naman ng laban oh!" inarte nung kalaban.
"Isa pa tong hot! Nagmumukha kayong timang diyan ehh. Pakilala muna namin tong isang to" sabay tingin sakin ni zero.
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
RomanceSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.
