***Dark Haven***
Erin's pov
Naipark na namin ang mga motor namin. May mga motor din akong nakitang nandito.
"BurningDeath, si zero may-ari neto. Naku! Tiba tiba kami dun... mayaman yung lokong yun ehh" sabi ni Gray.
Mukha lang siyang simpleng bahay. Dito siguro hide out nila, kasi kung titignan parang normal lang ang mga nakatira dito. Tss...
"Tara tara! Wahaha, ipagmamayabang kita sa kanila" tapos hinila niya yung braso ko para makapasok.
"Don't touch me!" madiin kong pagkakasabi.
"Hehe, sorry naman"
Pagbukas ng pinto.....
"THIS GIRL IS ON FFFFFFFFFFFIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII---RRRRRRRRREEEEEEEEEEEEE!!!!"
O_O
-___-
>.<!!!!!
Ano ba yan? Bat ang gulo?!
"Oy ang gulo niyo! Umayos nga kayo!" tapos binato ni Gray ng unan na nakatapon lang sa sahig yung babaeng bumibirit na bigla namang pumiyok. Tsk!
"Sino yan?!" tanung nung babaeng babaeng mallit, may bunny headband at naka-pigtails ang buhok.
"Hi miss, I'm Lou but you can call me mine" sabay kindat sakin nung... err Lou daw. Yung totoo gangster ba talaga tong mga to?!
"Where's zero?" tanong ko.
"OMG! KILALA MO SI ZERO?!---Ahh!" sabi nung kumakanta kanina.
"Isa pa! Ang sakit na sa tenga ahh" sabi nung isa pang lalaki na bumatok dun sa babae.
"Eh bat nga nambabatok?! Suntukin kaya kita diyan?!!!"
"Hayaan mo na yang babaeng yan. Lagi yang highblood ehh" bulong sakin ni Gray.
"Anong meron dito?" boses ng lalaki galing sa likod namin.
"Yun! Nandyan na si pinuno!" sigaw nung isa sa kanila.
"Zero dali! May surprise ako sayo!!!!" takte! Lahat ba dito nasigaw?!
"Ano?"
"Zero... meet BurningDeath" sabi ni Gray habang nakatalikod parin ako sa kanila.
"B-BruningDeath?"
"Yes I am..." at humarap na ako sa kanila pero napatingin ako sa kasamang babae ni zero.
>.> ----------------- <.<
"Ha-ha-ha-ha... kulang nalang kidlat sa titigan niyo ah?" sabi samin ni Gray.
"Why.Are.You.Here?" madiin na pagkakatanong ni Tin. Tanging mga co-gangster lang namin dati ang nakakaalam kung anong merong away sa aming dalawa.
"Masama?" sagot ko.
"Oo" -siya.
"Mas masama naman yang mukha mo" sagot ko.
"And so are you"
>.> ----------------- <.<
"Oh tama na yan... End of the worl na magkaaway pa din kayo" awat samin ni Gray. Kanina pa to nangengealam ahh... tsk!
"By the way, bakit ka nga pala nandito?" tanong nung si zero saka upo dun sa may isang table na nakapangalan pa sa kanya. Ano to office lang?
"Ano sa tingin mo? Baka makikitulog ako dito" sagot ko.
BINABASA MO ANG
She Dance Like a Gangster
RomantikSa istoryang to... walang tunay na mabait. Dahil pati mismo ang bida ay nagkokontrabida.