THE POLITICIAN

1.4K 30 2
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : SHERYL FEE


CHAPTER ONE

"Magandang umaga po sa ating lahat mga kapatid lalo na dito sa probinsiya ng ABRA. Narito po ang bagong pasok na balita mula sa ating panayam sa isang residenti ng Tineg ( isang munisipyo ng ABRA ). Ayon dito ay isa naman ang pumanaw sa kanilang lugar dahil sa karahasan.

Ayun sa aming panayam ay natagpuang patay si Edwin Molina sa mismong tahanan ng kanilang pamilya. At ayun sa mga kapulisan ng Tineg ay may tama ito ng baril. NA tinatantiya nilang nasa lima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Hindi po lingid sa ating lahat na ilang buwan na lamang ay election na naman, at aming nalaman na isa pa lang candidato itong si Edwin para sa pagkamayor. At ang sabi ng kampo nito ns amin ding nakapanayam ay walang ibang may motibo na mawala at iligpit ang biktima kundi ang taga kabilang kampo.

Humihingi po mga kapatid ang pamilya Molina na sana ay mabigyang hustisiya ang pagkamatay ng kanilang kaanak.

Amin din pong nakapanayam ang taga kabilang kampo pero mariin nila itong itinanggi at nagbitaw pa ng maaanghang na salita laban sa kampo ng biktima. Ayun din sa kanila ay walang rason para patayin nila ito.

Ito po si Amethyst Espejo nag uulat mula sa Dial Zone Puso Ti Abra o DZPA.

NAIMBAG NGA BIGAT TAYO AMIN PAPAGAYAM (MAGANDANG UMAGA MAG KAIBIGAN )

Ang balitang sumalubong kay Victor Chass sa pagbukas niya ng radio.

"Kawawa naman ang pamilya ng biktima oo. Kailan kaya matatapos ang kaguluhan sa probinsiyang ito? " bulong nito.

" Oh kambal anong binubulong bulong mo diyan VC?" tanung ni Rhyne.

" Anu pa nga ba kambal kundi ang mga kaguluhang nangyayari sa probinsiyang ito. Sakto kasing pagbukas ko ng radyo ay ang patayan na naman ang sumalubong sa akin tsk tsk. " napapailing tugon no VC.


" Huwag ka nang magtaka kambal kaya nga halos isumpa ni grandpa ang lugar na ito pero ikaw naman kasi kung anu ang mayroon dito na bumihag sa iyo para piliing dito tumira." pangaral naman ni Rhyne.


Hindi na sumagot si VC dahil totoo ang kapatid o kambal niya. Mayat at permanente siya sa kanyang trabaho sa Baguio. Isa siya sa may pinakamataas na position sa DFA Baguio Chapter at graduated siya ng law sa University of Harvard pero ang kambal niya ay sa bansa ito nagtapos. Kung tutuusin ay higit na mataas ang trabaho niya sa DFA pero may kung anung nagtutulak sa kanya upang bumalik sa pinagmulan ng kanilang grandpa Roy.

Hindi man siya deretsahang pinagbabawalan ng abuelo niya na umuwi ng Abra pero alam at ramdam niya na kagaya ng kambal niya ay gano'n ang gusto nitong mangyari, ang huwag na silang umuwi sa probinsiya ng Abra.

"Oh natahimik ka na diyan kambal? " tanung ni Rhyne na humihigop ng kape.

" Kailan ka uuwi ng Baguio tol?" bagkos ay sagot nito.


" Bakit ako? Don't tell me tol na hindi ka sasama pauwi sa akin?" balik tanong ni Rhyne.

" Dito ako magpapalipas ng pasko at bagong taon tol. Uuwi ako sa atin bago pasukan sa trabaho." tugon niya sa kambal pero ang taynga ay nanatiling nakikinig sa radyo habang nag uusap silang magkambal.

"NO! Huwag mong sabihing solohin mo ang bahay dito sa pasko at New year maawa ka naman tol sa katiwala dito. Hayaan mo namang makauwi siya sa kanilang lugar para makapiling ang pamilya niya!" may kalakasang salungat ni Rhyne .

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon