THE POLITICIAN

668 24 0
                                    

THE POLITICIAN
BY : TUITION FEE

CHAPTER TWO

" Anak talagang tinutoo ni Chass ang hindi umuwi ngayong pasko ah. Malapit na ang nuche buena pero wala pa rin siya." malungkot na aniya ni Roy sa anak nilang si Collin Victor.

" Desisyon niya po iyun papa kaya't wala tayong magagawa doon. Pray na lang po natin na tahimik nilang maicelebrate ang pasko kasama ang katiwala doon." sagot ni CV.

" Pero........"

" Grandpa huwag ka nang malungkot oh dapat happy kasi po araw na naman ng kapanganakan ni papa Jesus. Diba lagi mo.......

" Christmas is the birth of our Jesus Christ our Redeemer. And Christmas is the special day to give love to one another as we love ourselves." nakangiting pagtatapos ni Roy sa sinasabi ni Shainar Joy na mas ginustong makipag nuche buena sa grandpa Roy at grandma Sheryl niya.

" I love you grandpa!" lambitin pa ni Shainar dito.

" Insan naman magtira ka naman para sa akin oh." singit na aniya ni Rhyne.

" Diyan ka muna kay grandma insan at dito ako kay grandpa tig isa tayo." kindat naman ni Shainar.

Napailing naman ang mag asawang Collin Victor at Cheska dahil sa inasta ng magpinsan. Pero alam nilang pinapasaya lang lahat ng mga ito ang lolo Roy nila. They all know na habang nagkakaedad ang kanilang ama ay mas nagiging malapit ito sa mga apo.

" Si grandma wala bang hug and kisses? Magseselos na ako niyan si grandpa ni'yo na lang lagi ah." biro ng may edad na ring si Sheryl.

" Si grandma naman oh hindi po maaaring mangyari iyun kasi love na love po namin kayo ni grandpa. I love you grandpa Roy, I love you grandma Sheryl." lambitin ng magpinsan na sina Rhyne at Shainar Joy.

" At mas mahal ko kayong lahat. Lagi ninyong tandaan na mahal na mahal kayo ni grandpa at ni grandma." tugon naman ni Roy. Ang isang batikang abogado, at opisyal ng FBI way back so many years, isang matatag na lalaki at may prinsipyo, may paninindigan ay heto at matanda na , na hindi na masyado makagalaw o hindi na masyadong lumalabas ng bahay. His wife though kagaya niyang may edad na at ito ang tumayong personal nurse niya. Ang mapagmahal at maasikasong mahal niyang si Sheryl.

" Oh siya papa, mama, tara na po sa garden at para mapanood po natin ang fireworks sa pagpatak ng alasdose.

" Shainar, Rhyne help your grandpa na at tara na sa garden." utos ni Cheska sa anak at pamangkin.

But.........................They are in the middle of the way, way to the garden ay biglang may dumating!

The gorgeous Garreth Shane Cameron!

The blackbelter and the lawyer of the family! Paanu nasa Abra daw ang lawyer ng mga Calvin na si Victor Chass.




"I'm here!!!!!! Woooohhhhh!!!!!! Merry Christmas to all." sigaw nito ng nakalabas sa sasakyan.

" Manu po grandpa Roy, my indeed beautiful grandma ever. " aniya nito at nagmano sa dalawa na mas nagpalawak sa ngiti ni Roy.

"Saan ka galing kuya? Abah galing ako sa bahay kanina ah wala ka doon!" the clumsy princess said.

" Grandpa oh  si lampa the second nanenermon na naman!" kunwa'y sumbong ni Garreth Shane dito.

" Tol makalampa ka naman kasi.....adults na tayo ah baka bukas I sa makalawa may apo sa tuhod na si grandpa." buska naman ni Rhyne sa pinsan dahil nangungulay kamatis na ang pinsang si Shainar Joy.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon