THE POLITICIAN

439 30 1
                                    

" THE POLITICIAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE


CHAPTER 23


Matapos maideklarang ligtas na sa kapahamakan si Victor Chass ay muli silang nagkagulo sa labas ng emergency room sa Abra Provincial Hospital.

" Do the first aid now!" akala mo at nasa battle field na command ni General De Luna sa doctor na halatang nabigla din sa pagkahulog ni grandpa Roy mula sa silyang de gulong.

Nailipitan si Victor Chass sa isang private room pero pumalit naman ang abuelo nito na naipasok sa emergency room.

" Diyos ko anu na ba itong nangyayari sa pamilya namin. Tulungan mo po Ama ang asawa at apo ko na makaligtas sa peligro parang awa mo na Ama." nakatingalang sambit ni grandma Sheryl.

" Huwag po kayong mawalan ng pag asa lola makakaligtas po sila lolo at Chass. Tulong tulong lang po tayong manalangin para sa kanila." pang aalo ni Myrna sa butihing abuela ng nobyo.

" Sana nga iha sana nga magdilang angel ka dahil hindi pa ako handang mawala sa akin ang grandpa Roy ninyo. I can't bear if I'll loss him now." iyak ng pobreng matanda sa dalaga.

" Tama po ang kapatid ko ma'am they're a figther kaya alam kung malalampasan nila ito lalo na po si sir Roy sa dinami dami ng pinagdaanan mula sa kanilang generation hanggang ngayon maniwala po kayo sa akin malalampasan nila iyan." pampalakas loob ni Armando sa ginang.

" I hope so iho at salamat sa inyong lahat lalo na sa inyong suporta sa aming pamilya." aniyang tugon ni grandma Sheryl.

" Tita maiwan ko lang sana kayo dito sa ilan kung tauhan at susunduin ko sina daddy sa bahay." aniya ni Rey sa kaibigan ng mga biyanan niya.

" Okey iho basta mag ingat kayo ha huwag ni'yong iwan ang bahay na walang magbabantay. We will talk later about what shall we do." malungkot na tugon ni grandma Sheryl.

" Men maging mapagmasid kayo sa paligid hindi natin alam ang nangyayari. Don't worry the group of Captain Aguillar is still roaming around the hospital area but we need to have an extra care. Understood?" bilin ng general sa mga tauhan.

" Yes sir!" tugon ng mga ito.

Nagtungo nga sina general De Luna sa tahanan ng mga Valera/ Calvin kasama ang ilan sa kasamahan ni Armando kasama na dito si Edward at naiwan naman ang ilan kasama ni Armando pero ang grupo ni Captain Aguillar ay nanatiling nasa himpapawid para magsilbing watch out.

Sa kabilang banda, lihim na nagsasaya ang grupo ng kalaban ni Chass na walang iba kundi si governor Rivera na at ito ang pinakamahigit na kalaban ni Chass.

" Sigurado ako patay na ang gunggong! Kay lakas ng loob na banggain ako sa mismong teritoryo ko. Abra is mine! Mine and only mine! Walang sinuman ang puweding maging ama ng probinsiya kundi ako lang at kung sinu man ang mangangahas na kalabanin ako matutulad at matutulad sila sa dayong iyun!" malademonyong aniya ng gobernor sa mga kasamahan niya na kasalukuyang nagkakasiyahan.

" Paanu na iyan ngayon boss ang right hand mo sa presinto kasama sa mga natusta kanina sa sumabog na patrol car." aniya ng isa sa mga ito.


Napangisi ang governor at kitang kita pa rin sa mukha nito ang kasiyahan na akala mo ay nanalo sa lotto sa pag aakalang patay na ang binatang si Chass.

" Hindi iyan problema Andress kung natusta at sumabog ang bungo nina hepe at sarhento bagay lang sa kanila iyun dahil sa mga mukhang perang tulad nila. At tungkol sa kamatayan nila eh marami naman sila sa presinto na puweding suhulan." sagot nito sabay hithit sa hawak na sigarilyo.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon