THE POLITICIAN

448 19 0
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : SHERYL FEE


CHAPTER 13


Naging mabilis ang pagkalat ng balita at ang pagsugod ng magkabilaang pamilya ng binatang si Victor Chass sa probinsiya ng Abra ay mabilis na kumalat.

At ito ay nakarating na rin sa makakalaban ng binata sa pagka congressman.

" Boss mukhang mayaman ang makakalaban mo ah. Imagine that biglang sugod ng mga ito dito sa probinsiya." aniya ng isang tauhan ng governor.

" Isa pa ang mga iyan kailan ni'yo sila maililigpit? Abah nagsimula na ang campaign period pero buhay na buhay pa rin ang tarantado!" malakas na sagot ng mambabatas.

" Boss alam mo namang hindi kami basta basta makalapit sa tahanan ng mga Valera." aniya naman ng isa.


" Kapag kailangan ni'yong itumba ang lahat ng sangkot gawin ni'yo! Ilang buwan na lang election na at kailangan kong maipanalo ang labang ito para makabawi sa gastos natin simula't sapol, alam ni'yo na ang mangyayari kung hindi natin maipanalo ito. Lahat tayo ay sa kangkungan pupulutin." mariing aniya ng mambabatas.

" Boss! Boss! " humihingal na aniya ng isang bagong dating na tauhan nito sa kanilang kampo.

" Ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong tuluyan kita diyan!" salubong naman dito ng governor.

" Boss..... Ang tahanan ng mga Valera boss....may... may...." putol putol na aniya nito na mas ikinagalit ng governor.

" Huwag boss! Kung tutuluyan mo siya hindi na natin malalaman ang gusto niyang iparating sa inyo." awat ng isa ng makitang bumunot nh baril ang boss nila.

" Painumin ni'yo muna iyan ng tubig at kalmahin ang sarili bago humarap sa akin! At pagbalik niya kailangang maayos na ang pananalita niya dahil kapag hindi niya maayos iyan mas mauna ns siyang magsasauli ng buhay niya." aniya naman ng governor.

Ang kaawa awang nilalang ay muntik nang madali ng mambabatas. Pero bilang tagasunod nito ay hindi na umangal dahil sa ayaw nilang madamay o madali sa boss nila. Kaya't sinunod na lamang nila ang ipinag utos nito kaysa naman pare pareho silang matsugi ng wala sa oras.


" Ano ba kasi iyun at bakit parang hingal na hingal ka?" tanong ng isa sa mga ito.

" Galing ako sa pagmamanman sa tahanan ng mga Valera at kung mahigpit noon ang bantay ng mga ito ay mas mahigpit na ngayon dahil buong puwersa na yata ng taga Baguio ang nakabantay dito. At ayun sa narinig kong usap usapan ng mga ito ay during the election campaign ay may mga private sectors daw na magbabantay sa kalaban ni boss." paliwanag ng isa.

Pero bago pa man may makapagsalita sa kanilang lahat ay ang governor na ang nagsalita sa kanilang likuran. Ang boss nila na inakala nilang nakaalis na pero dinig na dinig pala nito ang kanilang usapan.


" Kung kanina mo pa sana inayos ang pagsasalita mo eh disin sana'y hindi ka sinama sa akin." aniya nito.


" Boss." sabayang aniya naman ng mga ito.



" Ganito ang gawin ninyo pilitin ni'yong makakuha ng oras at makapuslit na makalapit sa ambisyusong kumalaban sa akin at itumba ang gago! Lahat kayo ay may kanya kanyang gawain, ang ilan sa inyo ay ang pagmamanman sa bawat kasama ng taong iyun, ang iba ay ang pagbibigay ng pera sa mga botante at tandaan ni'yo kung sinu sinu ang mga taong binigyan ninyo at sa oras na titiwalag o babaliktad sila ay alam ni'yo na ang kalalagyan nila. Maliwanag ba?" mariing aniya ng mambabatas.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon