THE POLITICIAN

396 25 1
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : TUITION FEE

CHAPTER 15


"Diyos ko iligtas mo po kaming lahat." taimtim na sambit ni Cheska.

" Okey na asawa ko malapit na tayo sa Camp Villamor." tugon ni CV.

" Sinu kaya ang mga iyun asawa ko ko? Bakit pati si baby ay idinadamay na nila. He's just an infant para makaranas ng ganitong buhay. Diyos ko!" napaantadang aniya ni Cheska.

Napabuntunghininga si CV dahil dito. Though wala silang proweba pero malakas ang kutob niyang may kinalaman ito sa kanilang anak.

" Wala tayong proweba asawa ko at mas lalong ayoko ang magbintang pero hindi ko mapigilang isipin na ang mga kalaban ni VC sa politika anh may kagagawan nito." he said it with a deep sigh.

" CV asawa ko?" takang lingon ni Cheska sa asawa .


" Yes asawa ko. If you remember all through their lives walang problema at naging maayos naman ang pamumuhay natin. Si Rhayne isang professor sa SLU at ang kambal nito na si Chass ay isang abogado at may permanent job sa DFA pero mas ginustong pasukin ang mundo ng magulong mundo politika. Kina mommy at daddy walang problema, sina mama at papa wala din naman. Pero nitong pagpasok ni Chass sa politika sunod sunod na anh mga kaguluhang dumating sa buhay natin. And now mukhang tayo ang target huwag naman sana nilang idamay si baby Lewis Frank." malungkot na aniya ni Chass sa asawa.

" Hindi rin naman puweding pabayaan natin ang anak natin asawa ko. Alam ko iyun ang gusto niya at makakagpasaya sa kanya. Ayaw ko man siyang pumasok sa ganyang propesyon pero mas maigi na iyong sinupurtahan natin siya kaysa naman pabayaan natin." aniya ni Cheska.

" Iyun na nga asawa ko. Hindi naman kasi maipagkakailang nasa dugo naming Valera ang politics our grandpa Victor was the ex governor of the province. Hindi sa generation ni papa pero ito ngayon si Chass ang nakamana sa political ambition nito. Ang ikinakabahala ko ay mabait ang anak natin alam kung maganda ang hangarin niya para sa buong probinsiya pero ang gulo ng politica doon at heto patunay lamang ito. Ang pagsabog sa harap ng bahay, dagdag pa ang nobya niyang taga politica din. Nakakalarma ang mga pangyayari asawa ko." Collin Victor in very alarming voice.

Hindi na sumagot si Cheska pero napabuntunghinga naman ito.

" Dito na tayo asawa ko." aniya ni Collin at naunang lumabas at pinagbuksan naman ang pinto para sa asawa.

" Dahan dahan asawa ko baka mapaano kayo ni Lewis Frank." pangaral ni Collin sa asawa dahil sa kamuntikan itong matisod.

Lumapit ang mag asawa sa guard ng matapos silang makababa ng tuluyan.

" Kuya nandiyan po ba si General?" tanong ni Collin ng makalapit sa guwardiya.

" Nandiyan po sir. May appointment po ba kayo sa kanya?" sagot ng guard.

" Wala po kuya pero pakisabing ang hipag niya ang nandito sa labas. Pakisabing Cheska Harden Calvin." sabad ni Cheska dahil halatang pinag aaralan sila ng guwardiya.

" Okay po saglit lang po ma'am, sir at itawag ko muna kay sir." sagot nito.

Lumipas ang ilang minuto bago muling humarap sa kanila ang guard.

" Pasok na po ma'am, sir deretso lang daw po sa opisina niya. " aniya ng guard.

" Salamat po." tugon ng mag asawa sabay pasok sa compound ng Camp Villamor.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon