THE POLITICIAN

385 25 1
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : SHERYL FEE

CHAPTER 18

" Huwag kang padalos dalos pare. Hayaan mo silang mag usap ang tanging magagawa mo sa ngayon ay ang pakinggan ang kanilang usapan o irecord mo ito para may magamit kang ebidensiya laban sa kanila." aniya sa mahinang boses nh taong pumigil kay Chass para lumapit sa dalawang nag uusap.

" Edward----

" Huwag kang maingay pare. Oo ako ito at hayaan mong makipagtulungan kami sa iyo para diyan. Tauhan ni gobernor ang mga iyan na inaakala mong kakampi mo." mapait na tugon ni Edward.

Hindi na nagtanong ang binata sa kaibigan ni Armando bagkos ay patihaya silang lumapit sa pinagmumulan ng tinig.

" Ngayun ka pa ba aatras? Tanga ka rin naman kasi babaliktad ka na nga rin hindi ka man lang nag isip noon pa sana eh ngayun buko ka ni gobernor na isa kang botante ni Calvin." dinig nilang aniya ng lalaking nakatalikod sa kanila.

" Kailangan ko man kasi ang pera pare. Oo patas ang laban na kinabibilangan natin pero hindi sapat iyun para sa atin lalo sa pangangampanya natin noong bago mag eleksiyon." sagot ng isang nakatingin sa kawalan.

" Anong plano mo ngayun? I'm sure pinaghahanap ka na ng mga tauhan ni gobernor baka idamay pa ang pamilya mo." aniya ng lalaki na nakatalikod.

" Hindi ko kayang basta na lamang manahimik lalo at alam ko namang may laban si Victor sa botohan. Dito pa lang sa Bangued lamang na siya at sa mga napuntahan nating distrito. Remote places na lang ang kulang para makompleto ang vote counting. Isa na dito ang Tubo, Luba, Malibcong, Lacub, at Tineg wala pa ang ballot boxes galing sa mga lugar na binanggit ko. Lalo na ngayon na tag ulan mahirap ang bumiyahe sa mga places na iyan." dinig din nilang sabi ng isa sa ka line up ng binata.

Hindi naman alam ng binatang si Chass kung ano ang mararamdaman ng time na iyon kung magagalit ba o maaawa dito.

" Ewan ko sa iyo ang labo mong kausap! Ang alalahanin mo na lang ang pamilya mo! Bobo mo kasi hindi ka nag iisip ngayong nagkakagipitan na saka ka naman nag iisip ng ganyan!" mahina man pero mariin ang pagkasabi ng lalaking.

" Siguro nga laging nasa huli ang pagsisisi. Pero maitutuwid ko pa ito, sa mahigit isang taon na kasama o nakilala si Victor alam kung mabuti siyang tao. Kakausapin ko siya at ipagtatapat ang tungkol sa vote buying at pananakot ng mga tauhan ni gobernor sa mga tao." aniya ng lalaki.

" At sa tingin mo ba makakatulong pa iyan sa lahat aber? Kung mahal mo ang pamilya mo mas mabuting manahimik ka na lang!" mariing aniya lalaki.

" Hindi kaya ng konsensiya ko pare alam kung mali ang ipagsapalaran ang pamilya ko pero kaya ako pumunta dito ng ganitong oras pero nakita mo pa pala ako. Kakausapin ko si Victor para humingi ng tawad sa nagawa kung kasalanan at alam kung kalabisan pero hihingin ko ang tulong niya para maprotektahan ang pamilya ko. At sana ikaw na ang manahimik para sa akin at ang pamilya dibale alam naman nilang kay gobernor ka kaya hayaan mo na ako." aniya ng lalaki pero matigas ang isang lalaki.

" Problema mo iyan kaya't bahala kang lumusot diyan sa ginawa mong iyan." tugon ng lalaki at akmang aalis na.

Lahat ng usapan ng dalawa ay recorded nila Chass at Edward. At ng akmang aalis na ang makasariling lalaki ay ito ang sinamantala nilang dalawa para lumapit.

" Makasariling kapakanan ang iniisip mo mang Aldrin. Buti pa siya dahil kahit nagkasala siya'y naisip pa rin niya ang konsensiya niya at ikaw ang pag asa sana niya pero ayaw mo dahil sa gusto mo naman talagang bumaliktad mali pala, dahil simulat sapol bumaliktad ka na pala. Akala ko nga si mang Gener lang ang ahas sa grupo iyun pala may itinatago ka rin pala." mariing aniya ni Chass.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon