THE POLITICIAN

413 26 0
                                    

" THE POLITICIAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE


CHAPTER 24


" Sigurado ka na ba diyan sa desisyun mo sis?" tanong ni Armando sa kapatid.

" Oo naman kuya. Iiwan ko na ang Tineg for good at kung ako ang masusunod ibebenta ko na ng tuluyan ang bahay natin. Handa kung iwan nag probinsiya alang ala kay Chass. I love him kuya and I'll do everything for him." tugon ng dalaga habang inaayos ang lahat ng maari niyang kunin o madala sa kanyang paglisan.

" Pero sis how about your candidacy? The COMELEC declared that you're the new elected mayor of our town but now your saying that you will leave for good?" hindi makapaniwalang aniya ni Armando.

" Buo na ang pasya ko kuya, hindi naman siguro masama kung ako ang magpakumbaba at makipaglapit kay tito. Total iyun naman ang gusto niya. Sawa na ako kuya sa kaliwa't kanan na kaguluhan at kung ang pag give way ko sa pagiging mayor ko ang makakapagbigay ng katahimikan ng bayan natin ay gagawin ko dahil kawawa lang ang mga mamayan na nadadamay. At kung ano man ang mga kaganapan habang wala ako o tayo dito sa Tineg ay wala na tayo doon." pahayag ni Myrna na bahagyang tumigil sa pag iimpake.

" Sis kung ako ang pakikinggan mo o ni Armando ipagbenta ni'yo na ang mansion ni'yo dito dahil ikaw na rin ang nagsabi na you're leaving the town for good so it's better for you to sell house and lot. Why? Alam natin kung gaano kagamahan at katuso ang papa ko at bilang kamag anak ninyo siya pa rin ang may karapatan dito if ever na iwan ni'yo o tayo ang Tineg. I know that you know what I mean too sis. Sasama ako sa inyo hindi dahil galit ako kay papa pero matagal ko ng gustong iwan ang probinsiya dahil hindi ko na kayang sikmurahin ang lahat laban kay papa." sabad naman ni Warren.

" Tama siya sis. Total mga NPA naman kami nina Armando No Permanent Address ang ibig kung sabihin hindi New People's Army so why not to sell house and lot magamit mo pa iyan sa pagbili at paglipat mo ng bahay. I'll suggest where you will buy house and lot doon na rin sa may malapit sa compound nina Chass para maalagaan mo siya as you say so." singit ni Edward.

Ngumiti naman ang dalaga sa tinuran ng mga ito. Her heart bleeds upon remembering her boyfriend's, buhay na buhay pero daig pa nito ang patay dahil ilang buwan na ang nakakaraan pero under comatose pa rin ito. At ayon sa investigation ng Task Force Baguio, Camp Villamor , at ayon sa mga nakasaksi ay proven ng ang kalaban ni Chass sa pagiging congressman ang salarin at kasalukuyan na itong pinaghahanap ng batas. Pero magaling itong magtago dahil nagawa nitong pagtaguan ang batas samantalang joint forces na ang naghahanap dito. Hindi na nila ipinagalaw sa Camp Villamor Abra ang tungkol sa kasong kinasangkutan ng governor Rivera dahil alam din nilang walang mangyayari. Kaya't minabuti ng pamilya Calvin na ang joint forces na lamang ang mag asikaso sa kaso at sa tulong na rin ng Camp Crame.

" Yes I will kuya Edward isa na iyan sa rason kung bakit gusto kung magtungo sa Baguio para maalagaan ko siya. Kawawa naman ang mommy nila lalo at lumalaki na si Lewis." tugon ni Myrna at muling ipinagpatuloy ang pag iimpake.

" Kung ano man ang desisyun mo sis susupurtahan kita sa abot ng aking makakaya. Huwag mo kaming alalahanin dahil mga masasamang damo kami kaya't mahirap kaming mamatay. Ikaw na babae ang iniisip namin at kung ang paglipat mo sa Baguio ang alam mong nakakabuti sa iyo ay go on sis we will support you." aniya ni Armando.


" Maraming salamat sa inyong lahat mga kuya. Sige na iligpit na rin ninyo ang mga gamit ninyo at sabay sabay na tayong lumuwas bukas ng maaga. Hindi na tulad ng dati na may din----"

Napatigil ang dalaga sa pagkakaalala sa tahanan ng mga Calvin. Dahil noong hindi pa nangyari ang aksidente kay Chass doon sila tumutuloy kapag inaabot sila ng alanganing at hindi na makabiyahe pauwing Tineg.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon