THE POLITICIAN

445 21 0
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : SHERYLFEE


CHAPTER FOUR

Walang nagawa ang pamilya Calvin sa desisyon ni Victor Chass na paninirahan sa halos isumpang probinsiya ng the great Lewis Roy Regalado o Lewis Roy Calvin. Ang probinsiya na akala ng nag iisang Lewis Roy na wala nang aapak pang muli sa mundo ng politika sa kanilang pamilya. Pero kagaya nga ng kasabihan na blood is thicker than water.

Abra is a landlocked province of thePhilippines in the Cordillera Administrative Region in Luzon. Its capital is Bangued, is bordered by Ilocos Norte and Apayao on the north, Ilocos Sur and Mountain Province on the south, Ilocos Norte and Ilocos Sur on the west, and Kalinga and Apayao on the east.

" Chass apo ko come closer to grandpa. I've something to tell you." aniya ni grandpa Roy sa apong naghahanda para sa pagbabang muli sa probinsiya ng Abra.

Pansamantalang itinigil ng binata ang ginagawa at lumapit sa may edad nang lolo niya. Ang papa ng daddy nila ni Rhyne.

" What's up grandpa?" magalang na tanung niya dito sabay upon sa tabi nito.

" Chass apo ko, alam kong alam mo na ang sasabihin ko pero bilang pamilya mo uulitinko pa rin ito apo ko dahil mahal kita apo. I was just 12 years old when I witness barely in my eyes the death of my parent. Ang mag asawang nagpalaki sa akin. They were dead by those armed men. Walang awa nilang pinagbabaril Ang inay Magda at itay Mando ko na naging sanhi ng kamatayan ng mga ito. Isang pamilya na namumuhay ng simple at payak ang biglang pinagbabaril ng mga walang puso ng oras na iyun. Natamaan ang kapatid ko na si Rhayne kung saan galing ang pangalan ng kambal mo. Pero mahal ako ng Diyos apo dahil sa dami ng ipinaulang bala sa aming munting dampa ay wala ni isang tumama sa akin. Ang masakit lang apo ko ate pinili ng kapatid ko na itakip ang sarili sa akin kaysa pare pareho kaming mamatay sa hapon na iyun. Ang lolo Ruben mo ang tumulong sa akin at ilang mga taga doon upang makaalis kami ni tata Ruben na hindi nalalaman ng ibang tao. Pero alam mo ba kong sinu ang may kagagawan sa massacre ng hapong iyun? Ang hindi ko alam na biological father ko na matalik na kaibigan din ng itay Mando ko. At alam mo din ba ang dahilan ng massacre? Dahil sa politika. Sina itay Mando at papa Victor at tito Zamin ay matatalik na magkakaibigan pero dahil ayaw ni itay Mando ang pamamaraan ni papa Victor sa larangan ng politika ay mas piniling lumayo kasama ni inay Magda. Pero dahil sa sunod sunod na kasong kinasangkutan ni papa Victor ay si itay Mando ang pinagbalingan at pinagbintangan na nagsusumbong kay itay. At ng makatyempo sila ay iyon ns ang nangyari, they massacred our family. Do get what's the points why I'm telling you this apo ko? I know that the blood of being a politicians runs in the family pero sana apo ko pinanindigan mo ang magandang pananaw mo sa buhay. Ang magandang hangarin mo sa ating probinsiya. Huwag kang mag alala apo ko susupurtahan ka namin sa anumang hakbang na gagawin mo. We love you apo ko just take care of yourself." mahabang litanya ni grandpa Roy sa apong nagnanais sumabak sa politika.

Haist! Grandpa Roy hiningal ako sa iyo!

Sa haba ng litanya ng kanyang mahal na lolo ay tumatak sa isipan niya ang lahat ng sinabi nito lalo na ang I LOVE YOU APO KO nito. Nagkakaedad man ito pero ang talino nito ay hindi nagmamaliw. He love his grandpa too.

" Here's the water grandpa. Hiningal ako sa sona mo este sa sinabi mo." birong totoo ni Chass.

" Don't worry grandpa tatandaan ko po lahat ang mga sinabi mo. And yes I know what you mean po. Thank you so much grandpa. And I love you too." senserong aniya no Chass sa abuelo. The one and only Lewis Roy Calvin.

Ngumitu ang matandang si Roy sa tinuran ng apo. Hindi naman niya kasi ito masisisi dahil halos araw araw na sa mga radio news and magazine news ang tungkol sa patayan sa probinsiya ng Abra.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon