THE POLITICIAN

471 34 1
                                    

" THE POLITICIAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE


CHAPTER 25

Hindi makahuma  ang tatlo  ng marinig  ang kasinglamig ng yelo mula sa kanilang likuran.

" Anong ginagawa ninyo dito  sa aking pamamahay?" malamig pasa yelo  na aniya ng ama ni Warren.

Bigla  namang humarap ang dalawang  lalaki sa pinagmulan  ng boses. Ramdam ni Myrna ang tensiyun sa paligid  lalo na sa kapatid  niya pero  pasimple niyang hinawakan  ang  kamay nito at pinisil. Na para bang sinasabi  na don't  worry everything  gonna be okey.

" Ah  tito huwag po kayong mag alala dahil nandito  po kami para makausap  ka. Wala po kaming ibang sadya  kundi ang makausap ka." mapagpakumbabang aniya ni Myrna.

" Wala na tayong  dapat  pag usapan. Idineklara na ng COMELEC na ikaw ang panalo at magiging  mayor ng bayan kaya't umalis na kayo  dito. Hindi  ko kayo kailangan sa buhay ko." tugon ng ex  mayor.

Hindi  naman maiwasang  napaismid si Armando  dahil sa sagot ng tiyuhin nila.

" Tsk! Kami na nga  ang  nagpakumbaba at nagsadya dito para makausap  ka pero  ikaw pa ang may ganang magmataas." napaismid  na aniya ni Armando.

" Kuya---

" Huwag na  huwag mo akong masumbat sumbatan lalaki  ka dahil  wala  akong  sinabi sa inyo  na pumarito kayong lahat. Nakakadistorbo kayo  ng oras ko ko. Kaya't  bago  pa magdilim  ng tuluyan ang paningin  ko at ipatumba kayo sa mga goons  diyan umalis na kayo  dito." sagot ng tiyuhin nila kay  Armando.

" So aminado ka na rin pala na isa ka sa mga goons diyan dahil sa dami ng mga ipinatumba mo? Sabagay hindi  na iyan nakapagtataka dahil simulat sapol  isa ka naman  talagang kriminal." ismid ni Armando  na hindi mo mawari  kung nang aasar  ba o ano na similar noong nangyari  ang  malagim na trahedya  sa  buhay nilang magkapatid  ay  sa oras na iyun  lamang sila muling nakalapit sa tiyuhin  nila.

" Ah tito puwedi  po bang  makausap  ka? Huwag mo na munang   pansinin  si  kuya mahalaga  po ang  pag uusapan  natin  kaya huwag na po kayong  magalit." pagitna  ni Myrna  sa kuya Armando  niya at sa tiyuhin.

Samantalang  tahimik lang na nakamasid si Warren  sa pinsan  at ama. Dahil  wala  siyang  kakampihan sa mga  ito. Bawat isa sa mga ito ay may dahilan  para maramdaman ang gano'n. Si  Armando  na mismong pamangkin  ng ama ay  nagawang  ipinapatay ang  magulang,  ang ama na nahumaling  sa  pulitika at  hinayaang  mawala ang mga taong mahahalaga  sa buhay nito. Parehong  mahal  niya  ang  mga ito kaya't  wala  siyang gustong  kampihan sa  mga ito.

" Sabihin  ni'yo  na ang gusto ni'yong sabihin  dahil nakakadistorbo kayo. Marami pa akong  gagawin!" galit na aniya nito na kung nakakamatay ang  tingin ay kanina  pa namatay  ang binatang si Armando.

" Baka naman puwedi  mong papasukin ang kausap  mo kahit siya  lang. Napakawalang  galang  mo naman na isang MAYOR na hindi man lang magawang  papasukin  ang bisita mo."  ayaw namang  patalo  na aniya ni Armando na talagang  ipinagdidiinan pa talaga  ang salitang  mayor.

" Kuya naman napag usapan na natin ito ah. Let me handle this kuya no problem let me talk to him please?" himig  pakiusap ng dalaga sa kapatid  na halatang  hindi  kayang pakiharapan  ng maayos ang kanilang tiyuhin. Sinu  ba kasi ang  gano'n  na lamang  makakalimot sa mga pinagdaanan  nilang  magkapatid  na ang dahilan  ay ang sarili run nilang tiyuhin? Wala dahil mula sa pagkamatay ng mga magulang  nila, muntikan  nilang  pagkamatay  ng paulit ulit ay  ang tiyuhin  din nila ang may kagagawan kaya't  hindi masisisi  ng dalawa  kung gano'n  na lamang  ang galit ng binata sa tiyuhin.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon