THE POLITICIAN

395 28 2
                                    

" THE POLITICIAN "
WRITTEN BY : TUITION FEE

CHAPTER 20

New of Abra Today April 1,2016

Tineg, Abra

Ayon sa balita na nakarating sa aming himpilan papunta sana sa pangangampanya ang grupo ng mga kandidato at lima pa niyang kasama kabilang ang dalawang dalaga na nakisabit pauwi sana sa kanilang barangay, upang rescue ang nasirang sasakyan ng bigla silang pagbabarilin ng nakasunod na sasakyan sa malapit sa ilog ng boundery ng barangay alaoa at tapayen, isa ang namatay , ang mga dalagang kasama nila ay nasugatan dahil sa pagtalon at pagtakbo kung saan saan. Agad namang tumawag ng rescue ang grupo ng konsehal galing sa Bangued ngunit sa kasamaang palad nang humingi ng tulong ang kampo ng kumakandidatong konsehal ay walang response ang Camp Villamor ( Abra ) kaya't tumawag sila sa Camp Crame upang humingi ng tulong, hindi ipinagalaw ng grupo ng kumakandidatong konsehal ang bangkay sa mga local na pulisya hanggat hindi dumating ang mga pulis galing Maynila at SOCO sapagkat nangangamba silang mawala ang mga ebidensiya laban sa kabilang kampo, at ayon din sinabi sa aming nakapamayam, hinalughog ng mga taga Camp Crame ang sinsabing opisina ng mga opisyal at doon natagpuan nila ang dalawang pinaniniwalaang goons ng mag asawang mayor at Vice mayor.

Ayon sa isang tauhan ng mag asawang Mayor at Vice Mayor na nadakip ay kasama nila ito ng nangyari ang ambushed . Ihinayag nito sa mga taga Camp Crame ang buong pangyayari.

Sa ngayon ay kasalukuyang nawawala o nagtatago ang nasabing vice mayor dahil pinaghahanap na ito ng mga pulis Maynila dahil ito ang idinidiin nilang mastermind sa ambushed."

Report From Anonymous

Matapos maitawag ni Edward kay Armando ang nangyari ay agad niyang nilapitan ang mag inang Vanang at Jade. At ayon sa boss nilang si general De Luna ay darating na ang mga ito any time dahil sumama ang both side na pamilya ni Chass. Ang Harden, at ang Calvin.


" Deretsahan po tayo nana Vanang, Jade. Ano po ba ang nangyari at bigla kayong bumaliktad?" seryosong tanong nito sa mag ina.

Pero hindi makaimik ang mag ina na siya ring pagpasok ni Mang Oscar galing sa labas.


" Wala kang karapatang husgaan ang mag ina ko ng ganyan." matigas nitong sabi.

" Itay?"


" Oscar?"



Sabay na sambit ng mag ina ng makita ang bagong dating.

Hindi naman alam ni Edward kung maiinis siya at susuntukin ang matanda o manahimik na lamang dahil sa tono ng pananalita nito ay itinatanggi ang kasalanan. Pero dahil sa respeto niya sa nakakatanda sa kanya ay mas pinili nito ang huling option niya ang nanahimik na lamang ay mali pala hindi siya nanahimik dahil nagtanong pa rin siya pero this time sa matandang lalaki na ang binalingan.

" Ngayon tata ikaw ang tanungin ko. Ano ang dahilan ninyo at bakit nagawa ninyong bumaliktad?" mariing tanong ng binata.


" Ang sabi ko wala kang karapatang pagbintangan ang ina ko hindi ang ako ang tanungin mo. Kung wala ka rin namang maidudulot na maganda umalis ka na lang dito." inis na sagot ng matanda.

Halos magsalubong ang kilay ng binata dahil sa sagot ni Mang Oscar.

" Ang kapal naman ng mukha mo tata para paalisin ako dito. Ayaw kung maging bastos sa nakakatanda sa akin pero dahil din sa kabastusan mo naging bastos din ako. Para sa ikakaalam mong matanda ka pare parehas tayong sahuran dito. Oh nagulat ka noh? Ito ang itanim ninyo sa utak ninyo ako ang magiging saksi kung paano ninyo ipinagkanulo ang boss ninyo na hindi kayo itinuring na katulong sa pamamahay niya pero mapagsamantala kayong lahat. Let's wait tingnan lang natin kung ano ang magagawa ninyo oras na dumating ang mga magulang ni Chass." galit na aniya ni Edward.


THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon