THE POLITICIAN

402 24 0
                                    

" THE POLITICIAN "
BY : SHERYL FEE

CHAPTER 8

Dahil sa kabiglaan ni Chass ay hindi agad nakahuma ng bigla siyang halikan ng bigla na lamang sumulpot at biglang nanghahalik.

" Ouuchh! How dare you Chass why did you so that?" aniya ni Lexie habang sapo ang balakang.

" Go away from us before I can forget that your our family friend." busangot ang mukha na aniya ni Chass.

" You're so bad ikaw na nga ang dinalaw ikaw pa ang may habang mang away." aniya ng kababata ni Chass na si Lexie.

" Huwag mong isumbat sa akin ang pagdalaw mo dito dahil hindi kita sinabihan na pumarito." inis pa ring aniya ni Chass at hinawakan sa kamay si Myrna at iniwan ang ingrata sa sala.

" You're mine! Mine and mine alone!" sigaw ng isip ni Lexie habang nakatingin sa dalawa na papalayo .

Walang imikan na tinungo nina Chass at Myrna ang pangalawang palapag ng tahanan ng mga Calvin na siya namang paglabas ng Yaya ni Chass galing kusina na may hawak na tray.

" Oh saan kayo pupunta anak?" takang tanung nito sa binata.

" Sa balkon inay akin na iyang tray at kami na ang bahala. Inay sinu nagpapasok sa babaing iyan dito?" tanung nito.

" Ahh si Lexie ba anak. Pinapasok namin aba'y dati naman siyang dumadalaw sa atin ah." sagot ng matanda.

" Dati iyun inay at kapag wala ako dito okey lang labas masok siya pero kapag nandito po ako please lang inay ayokong nakikita ang babaing iyan ." nakasimangot na sabi ni Chass sa kanyang yaya at kinuha ang tray na hawak nito.

" Tara na sa taas Myr bago ko tuluyang makalimutan ang manners ko." baling ng binata sa dalaga.

Hindi na nagsalita ang dalaga bagkus at tumingin na lamang siya sa matanda at tumango naman ang matanda. Hindi alam ng dalaga o anu pero kitang kita niya ang pagtalim ng paningin ng babaing pangahas na humalik sa lalaking iniibig niya. Pero binaliwala na lamang niya ito at sumunod sa binatang biglang nagsungit.

Tineg, Abra

" Boss anu ang next step natin?" tanung ng isa sa mga SB ng Tineg sa kanilang mayor.

" Sa ngayon lay low muna tayo at kapag magsimula na campaign period doon din tayo magsisimula sa next plan. Ang pagtuunan ni'yo ng pansin ay ang kalaban natin." sagot ng mayor. ( nakalimutan ko na yata names nila hahaha)

" Hmmm sabagay boss tama ka diyan. May ilang buwan pa naman eh." aniya ng isa.

" Pero teka lang boss anu itong nabalitaan ko na sa bahay daw ng kapatid ni'yo nakatira ang kalaban ninyo?" sabad ng isa.

" Who?" nakaupo ng tuwid na sagot ng mayor.

" Myrna Melinda Molina ang pangalan nito boss pero sabi ng spy natin doon sa kanila ay wala ang Myrna na ito. Lumuwas daw ito sa Bangued." aniya pa ng isang demonyo este SB na kasing sungay ng mayor.

Sa pagkarinig ng mayor sa binanggit ng kasamahan at tuluyan na itong tumayo at ihinampas ang palad sa lamesa.

" Kailan pa iyan?" tanung ng mayor.

" Nasabi na namin iyan sa iyo boss pero hindi ni'yo lamang ito nabigyang oras dahil nabanggit na namin iyan noong huling meeting nating. " aniya ng isa.

" Kung ganun hindi ko maalala?" tanung ng mayor.

" Bakit boss anu ang mayrun sa kalaban ninyo?" tanong ng isa.

THE POLITICIAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon