Chapter 8

30 3 0
                                    

Used

Lumipas ang mga araw. Nagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya. Masyadong magulo ang isip at damdamin ko. Naidagdg na siya sa listahan ng mga taong gusto ko. Tama. Listahan, marami kasi akong gusto. Pero lahat ng iyon alam kong hanggang doon lang. Ayokong umabot sa ibang lebel yung nararamdaman ko. Everything I feel inside is so weird and new to me. 

"Harlynd... Ayoko ng maramdaman ito. Parang may mali sa part ko. Hindi ko alam kung ano, basta meron."

"Hayaan mo na lang kasi. Tsaka crush lang naman yan."

"Yun na nga eh! Crush ko siya, hindi ko maatim na isipin at tanggapin na may part sa sinabi niyo sakin ay nagkatotoo." saad ko sa kanya.

Sa ngayon ay nasa gym kami at naglilinis dahil kami ang naka-assign dito. Hindi naman talaga ako dapat nandito at dapat nasa science park ako. Ngunit si Delmoure, ayun, inaya ako dito. Hindi naman ako makatanggi at hila-hila na niya ako. Ngayon ay medyo dumistansya muna ako sa kanya dahil nag-uusap kami ni Harlynd. Hindi na nga ako makapaglinis.

"Hayaan mo na lang muna kasi yan!" sinundan ko naman siya dahil medyo napapalayo na siya sakin dahil patuloy siya sa pagwawalis.

"Bakit ba kasi ang galing kong mag-advice! Pero sa sarili ko hindi ko magawa yung mga sinasabi ko sa kanila! I hate this!" mahina kong sigaw at binalibag yung walis na hawak ko.

"Chill ka lang Suzy! Tsaka malay mo gusto ka din niya."

"He will never like me. Kilala ko yung gusto niya." sagot ko sa kanya at muling pinulot yung walis na ihinagis ko kanina.

"You know what? Noong nasa McDo kami last weekend. Sinabi niya sakin na gusto ka niya. Pero iba yung pagkagusto niya sayo. Gusto ka niya kasi--"

"Gusto niya ako dahil ako lang ang nakakagawang umintindi sa mga pinagdadaanan niya." putol ko sa sasabihin niya. Maging mga family problems kasi ni Delmoure ay naikwento na niya sakin.

"Iwasan mo na lang kaya muna siya." napaismid naman ako sa suggestion niya.

"Tss. Tanggihan nga siya hindi ko magawa! Yun pa kayang iiwasan siya!"

"Alam mo bawasan mo lang. Huwag ka kasing masyadong attach sa kanya. Baka malay mo kaya mo lang nararamdaman yan dahil siya ang kauna-unahang lalaki na nag-approach sayo at nag-open sayo ng mga bagay-bagay."

"Tss." sinimulan ko na lang ang paglilinis baka sitahin pa ako ng iba kong kaklase.

"Bakit kasi ang bait mo Suzy? Hindi ka makatanggi! Hindi mo sila magawang tanggihan, lahat ng humihingi ng pabor sayo. Eh halos na nga lahat yata sa klse natin eh close mo dahil sa mga sikreto at problema nilang shine-share sayo."

"That's me. Mabait talaga ako. Alam kasi nilang hindi ako magsasabi sa iba. Their secrets are always safe with me. Kahit na tungkol pa sa ibang classmate natin yung sinasabi nila eh ni isa walang kumulusot sa bibig ko." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi yyung sinabi niya. Halos lahat na ay nakausap ko tungkol sa kung ano-anong bagay. Minsan makikita na lang ako ng mga kaibigan ko na kausap yung isa kong kaklase. Kinabukasan iba na naman.

"Eto ah, advice ko sayo. Huwag ka nga kasing masyadong maging mabait! Baka sa susunod may mga taong magtake advantage sa kabaitan mo at gamitin ka lang." natigil ako doon. Hindi man lang dumaan sa utak ko na maari nga iyong mangyari.

"Wala naman siguro."

"Bahala ka nga! Basta sinabi ko sayo ah! Irecord mo para may credits sakin! Haha!"

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon