Chapter 16

25 2 0
                                    

Vince

"Oh my, so it might probably mean that he likes you?" ani ni Lyn sakin habang iniikot-ikot yung buhok ko.

Kasalukuyan kong ikinikwento sa kanila yung nangyari noong Saturday. And they're very glad that they didn't come! What kind of friends, seriously!

"Or it's just a game." I simply said and crossed my legs.

Ayokong umasa sa mga kinikilos niya. Dahil simula ng matapos ang SBLT ay nag-iba na siya ng pakikitungo sakin. Yung dating hindi pinapansin ngayon kinakausap na. Parang ang bilis lang kasi, tsk, mga hokage.

"Ugh. Think about it Ae, he held your hand infront of his friends? What was that, nothing? C'mon." Vian said, she even raised his left eyebrow on me.

Parang nag-aasaran lang na naman kami. Nag-apir pa silang dalaw ni Lyn.

"Pero paano kung kaya lang siya ganun ay dahil nandyan ang mga kaibigan niya. It might be a test if he can hit on me." diretsong saad ko sa kanya. Pero may parte sakin na sana totoo lahat ng pinapakita niya. Na sana magkatotoo yung hiniling ko sa apoy kahit mukhang napaka-imposible.

Natahimik naman sila sa sinabi ko. But I'm sure that they're not yet finish. I know that they'll do something unpredictable just to know if what happened is true.

And after a few seconds, I saw them look at each other then, "Laauureent!!!" they shouted in unity.

Oh gosh. I'm dead.

"Laurent, halika nga saglit!" sigaw ni Retrai. Oh no, ayokong lumingon!

"Bakit?" rinig kong tanong niya. That voice, that voice of his.

Ugh.

"May itatanong lang kami sayo!" Vian said.

Gusto ko ng umalis. Pwede bang huwag na lang makinig?

"Guys tumigil kayo!" sita ko sa kanila, pero patuloy parin ang hagikhikan nila.

"Oh bakit? Magtatanong lang kami Suzy! Haha!" pagbalandra nila sakin. I'm telling you, they're willing to do anything.

Tumayo na ako at naglakad paalis sa kinaroroonan nila dahil ayokong marinig lahat ng pag-uusapan nila.

I hate you guys!

"Not that fast Suzy, sit." agad na nahagip ni Retrai ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako.

"Tungkol saan ba? Noong Saturday ba? Haha." dinig kong tanong ni Laurent. I even heard him chuckle. Ugh!

Gulp.

"Guys, I'm out!" saad ko, itinaas ko pa ang dalawa kong kamay na sinasabing suko na ako sa kanila.

Naghanap na ako ng lulusutan ko dahil nakabilog ang mga upuan. Pero ilang sandali pa ay mas lalo pa nilang pinagdikit. Pinapasok pa nila si Laurent. Hot seat!

"Laurent, please?" sabi ko sa kanya. Ngunit hindi parin siya umaalis at nanatili lang siyang nakaharang sa dadaanan ko.

"What?" he innocently asked.

Please kung niloloko mo lang ako ay itigil mo na. Ayokong umasa sayo. Ayokong mahulog sayo. I'm currently prohibiting myself from falling. But what are you doing?

"Kung maglolokohan lang kayo, please huwag niyo akong idamay, iba na lang." makahulugang saad ko sa kanya.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Tila ba natamaan siya at hindi na nakapagsalita.

Unti-unti na siyang gumilid sa daraanan ko. Maging ang mga kaibigan ko ay natahimik at inayos na pabalik ang kanilang mga upuan. Sana naman sapat na yung sinabi ko para maintindihan nila ang nais kong iparating.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon