Chapter 17

34 2 0
                                    

Too

"Attention guys! Please cooperate, mag practice na tayo!" sigaw ko sa mga kagrupo ko na may iba't-iba na namang pinagkakaabalahan imbes ang magfocus sa sayaw namin dahil bukas na agad ito.

Our week's activity is social dances. In a group there are 3 pairs. Harlynd and Clyde, Erika and Laurent, and me with Vince. Medyo nahihirapan ako mag-adjust sa sayaw na ito dahil hindi ko naman masyadong gamay ang cha-cha at sway. Hindi kasi ako komportable na habang nagsasayaw kayo ay magkahawak kamay kayo ng partner mo.

Kaya si Vince na lang ang partner ko dahil ilang taon ko na siyang kaklase compared to Clyde and Laurent na this year ko lang nakahalubilo. Mas komportable ako kay Vince dahil medyo close ko siya at nakakaasaran kung minsan. Inaya ako ni Laurent na kami na lang daw ang partner, kaso hindi ako komportable at naiilang ako sa kanya.

"Rock, Chasse!" paunan ko ng makalinya na kaming lahat at sinimulan na ang pag-eensayo ng mga steps.

Nagcall muna ako ng break dahil sobrang pagod na ako. Ako na nga ang tagacount ako pa ang tagasigaw ng next na step. Ang sarap kutusan ng mga ito eh! Kesyo ako daw ang leader kaya dapat full force ang energy ko. Baka mamaya malatin ako nito.

Nagtungo na ako sa isa sa mga cemented chairs and tables dito sa Mapeh park. Kinuha ko ang bag ko't inilabas ang tubig ko.

"Ugh!" bulyaw ko ng mainom ko na ang huling patak nito at hindi parin napupuna ang pagka-uhaw ko. Nakakainis!

Nakarinig ako ng mga yapak na unti-unting lumlakas habang ito'y papalapit sakin. Yumuko ako at tinignan kung kaninong sapatos ito. Tss. Again, it's Laurent. Nakakainis pa at kabisado ko pa ang itsura ng sapatos niya.

"Water?" dinig kong alok niya sakin. Tumingala naman ako para tignan yung inaabot niya. May plano naman akong kunin ito dahil ayoko ng maglakad pa papunta sa canteen dahil dagadag pagod lang iyon.

"Summit? Tss. Thanks but no thanks, I can buy for my own." tanggi ko sa kanya. Muntik pa akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain dahil sa brand ng tubig na inoffer niya. Naalala ko na naman tuloy yung Summit na ininuman ko noong SBLT na ininuman niya din, kainis!

Tumayo na ako't kinuha ang wallet ko at nagsimula ng maglakad papaalis kung saan kami nakaupo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman kong hinawakan na naman niya ang palapulsuan ko na naging dahilan upang lingunin ko siyang muli.

"I'll come with you Ae." saad niya with his serious voice. Gosh! Why do he have to use my first name? It's so! Ugh.

I don't know but I felt something weird when he said the name 'Ae'. And I can't explain what it is, sh*t.

"It's up to you, and please never call me Ae, it's Suzy." matigas kong sagot sa kanya at padarag na kinuha pabalik ang kamay ko't nagsimula ng maglakad papalayo.

You can call me anything under the sun except Ae. Jeez! Naalala ko na naman! Bakit ba kasi hindi nalang ako kay Vince nagpasama?

Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi niya ako maabutan dahil naririnig ko ang bawat yapak niyang nakasunod sa akin. So he really wanted to accompany me huh? Tss. Let's see.

"Bakit hindi ka pumayag na tayo ang partner?" he started to break the ice.

Bakit ba kailangan niyang tanungin? Hindi porket may gusto ako sa kanya ay papayag na akong kapartner niya. It's not that easy as it seems. I'm not that type. And besides I don't want him to be my pair.

"Isn't obvious? I don't want to be your partner." I answered. So he really don't get it?

"Bakit?" tanong niya at hinugot na naman ang wrist ko. Mahinahon ang pagkakasabi pero may kakaiba.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon