Chapter 11

19 2 0
                                    

Cold

"Hydeo! Mahirap ba?" tanong ko sa isa ko pang kaibigan. Babae siya, sadyang yun lang ang nakasanayang itawag namin sa kanya. Ngayon kasi sila na ang nakasched na magbabaklas ng computer case. By pair ito, girl at boy. Kaya kinakabahan ako kung sino kaya ang magiging partner ko.

"Okay lang. Madali lang yun, matalino ka naman baka maperfect mo pa yun!"

"Teka sino ba ang susunod sa inyo?" tanong ko sa kanya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay masyado na kaming nililink ni Laurent. Konting kibot lang meron na naman. Minsan, gagawa sila ng paraan para magkatabi kami lalo na kapag magkagroup kami sa isang activity.

Sobrang naiilang ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Dati kasi nagkaroon ng event ang teachers at kailangan ng mga performance, so it only mean na kailangan ng mga mananayaw. Obviously, kinuha siya ni Erika. At isa pa itong si Erika na inaasar ako sa kanya. Umaabot sa point na nagpapainosente siya kung sino yung katabi ko na halata namang plinano niya. Meron pa minsan na ako yung tatawag kay Laurent dahil sinabi niya. Hindi ko naman siya pwedeng hindi sundin dahil siya ang president sa club namin.

"Ikaw na! Tsaka si Laurent! Yieh! Haha!" bakit ako pa ang naipares sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ay madalas na kaming asarin talaga sa isa't-isa. Oo aaminin ko natatawa ako, pero hindi ko alam kung bakit napapangiti ako.

Gusto ko siyang makitang sumayaw. Kasi sobrang naa-amaze talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang nakikitang naggigitara dahil naa-attract ako sa gitara. Yung pakiramdam na ayaw mong asarin nila kayong dalawa pero ito yung feeling na gusto kong maramdaman paulit-ulit. Nahahawa ako sa kilig ng mga kaibigan ko't mga kaibigan niya. Dahil sa tuwing malapit kami sa isa't-isa ay naghihiyawan sila.

"Hydeo! Siguraduhin mong wala kayong kinalaman dito ni Gen!" si Gen kasi ay kabilang rin sa mga kaibigan ni Laurent. Kaya napakalakas ng pakiramdam ko na sinabutahe nila kaming dalawa at ipinagpilitan sa prof namin. Mabait naman kasi yung prof namin eh. Pero hindi! Bakit kailangan pa nilang gawin ngayon na kabilang ang grade?! Eh sa hindi ako komportableng kasama siya?!

"Pasend nga ako nung video clip!" sabi ko sa kanya. Nandun kasi sa video kung paano magbaklas.

"Kay Laurent meron! Sa kanya ka na lang magpasend!" sabat nila Vian. Sige at gatungan pa nila ang pang-aasar. Porket hindi ako nagagalit.

"Nevermind!" sagot ko sa kanila. Pumunta naman ako sa prof namin at itanong kung totoo ba iyon o niloloko lang nila ako.

"Ma'am! Sino na ang next sa performance?" tanong ko ng makalapit na ako sa kinauupuan niya. Kinuha niya naman ang record book niya at binuklat ito.

"Uhm.. Kayong dalawa ni Laurent." seryoso?!

"Ma'am, bakit kami pa?!"

"Eh sa yun yung nakasched."

"Ma'am wala bang kinalaman dito yung mga kaibigan ko?" tanong ko sa prof namin kasi baka mamaya meron.

"Wala, ako kasi ang pumili. Ang kulit mo talaga Suzy! Bakit ayaw mo siyang partner?"

"Eh kasi Ma'am naman. Nililink kami! Paano ako magtatrabaho kasama siya?!" sadyang ganito lang kami makipag-usap sa teacher namin na ito. Mabait kasi siya at may pagka-informal kami kapag nag-uusap.

"Bagay naman kayo!"

"Ala Ma'am naman! Aish!" natatawa pa si Ma'am habang umalis ako. Nakakainis naman ang araw na ito. Bumalik na lang ako sa classroom para magpalipat nung file na iyon sa phone ko.

Buti na lang at wala kaming klase sa subject na ito bukas. Kaya next week na kami magbabaklas. Ngayon ay uwian na naman, kanya-kanya ulit ayos sa sarili.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon