Chapter 14

41 0 0
                                    

Signs

Lunes, panibagong Linggo muli ang naghihintay sa akin. Heto at sariwa parin sakin ang lahat ng pakiramdam. Parang bago lang ang lahat. Aaminin ko, kahit nedyo naiinis ako ng gabing iyon, hindi maitatanggi na masaya ako ng ipinikit ko ang mga mata ng gabing iyon.

Bakit ako nagpumilit na sumali at pumunta sa event na iyon? Ang akala ko ay dahil lang sa ayaw kong mapagalitan ng adviser ng student council. Pero ngayon alam ko na, hindi ko man maamin noong una. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makita. Maraming posibilidad ang pumasok agad sa isip ko, at nangyari nga ng higit pa sa inaakala ko.

Sa gitna ng paghumarentado ng puso ko. Nandyan na naman ang kalahati ng puso ko na sinasabi na ganyan din ang naramdaman mo noon. Nakapagdesisyon ako na pipigilan ko. Gaya ng sabi ko kay Rhoxie, ayoko na siyang magustuhan.

"Right! He doesn't deserve the affection you're having towards him." narito ako ngayon sa harap ng malaking salamin sa loob ng kwarto ko. Kinakausap ang sarili ko.

"Starting this day forward, you should prevent you're eyes looking for him, alright Suzy? Yes, I will." saad ko sa sarili ko habang pinagtuturo pa yung mukha ko. Kailangan kong kumbinsihin si My cute little heart na huwag na siyang magustuhan.

"Andwae!" sigaw ko at biglang sumalampak sa sahig. Ano ba kasi itong ginagawa ko?

"Yah! Eottokke?!" argh! Nakakapag-korean na tuloy ako. Nanatili lang ako sa sahig, tinignan ang sarili sa salamin at inayos ang sarili.

Tumayo na ako. Hindi pwede itong ginagawa ko. Pero paano kung matuluyan ako?! Hindi! Kailangan pigilan mo! Pero mahihirapan ako?! Stop talking to yourself Suzy!

"Suzy, stop this damn thing. Live it up! Face him, but first you need to---" nadako ang tingin ko sa orasan at the hell! Late na ako! What a fool Suzy, bakit ba kasi kinausap mo pa ang sarili mo?!

Patakbo akong lumabas ng kwarto at dumiretso na agad sa sasakyan. Hinahabol ko ang aking hininga kahit pa ng magsimula ng umandar ang kotse. Late ka na naman!

****

Unti-unti na namang umiingay ang paligid dahil sa samu't saring usapan ng mga kaklase ko. Nanatili na lamang ako sa kinauupuan ko habang nagbabasa ng isang librong dinala ko. Wala naman kasi akong kakausapin at wala din naman akong sasabihin.

"Hey! May ipapanood ako sayo! Kuha ito noong Leadership Training!" dinig kong saad ng isa kong kaklase.

"Saan?! Dalian mo naman!"

"Oo eto na nga oh! Nakakakilig talaga silang dalawa!" hindi ko na lamang sila inintindi, baka hindi naman ako yun. Maaari kasing kinuhanan din nila ng video yung ibang nagperform diba?

Napailing na lamang ako. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa libro dahil baka pumasok pa uli siya sa isip ko.

"Omo! Ginitarahan niya?! Yieh!"

"Haha! If you were there, mas lalong nakakakilig!" hindi ko mapigilan ang paglingon sa kanila. Nasa likod ko lang kasi sila. Napadako naman ang tingin nila sakin maging ang mga mapanuyang ngiti. Ano na naman ba ito?!

"Suzy ah! Yung totoo, anong namamagitan sa inyo ni Laurent? Haha!" tanong ng isa kong kaklase. Tinapunan ko naman ng nag-aalab na tingin si Rie, sigurado akong pinanood niya dahil siya lang naman ang alam kong may kopya noon at ang may planong ipangalandakan ang kilig na nadarama niya.

"Rie!"

"Bakit? Masama bang magshare ng kilig sa iba?" tanong niya sakin na para bang nagmamaang-maangan pa siya.

"Oo masama! Masama talaga!" sinimulan ko na siyang paghahampasin.

"Hey! Suzy, ano na?!" sabat muli ng kaklase ko na nasapawan ang tanong dahil sa paghampas ko sa kaibigan ko. Naki-usyoso pa talaga!

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon