Chapter 5

39 2 0
                                    

Destiny

Pagkatapos ng game ay obviously yung group 4 ang nanalo. Dumiretso na ako sa mga kaibigan ko. Paglapit ko sa kanila ay nakahanda na naman ang mga mata at ngiting nanunuya dahil sa mga nangyari.

"Grabe! Parang Sloow Mootion!Haha!" pakanta pa niyang sinabi yung slow motion. Napailing na lang ako sa ginawa ni Retrai. Inismiran ko na lang sila.

"You're so cute! Nakita kong nagstiffened ka matapos mong makita na siya yung nabunggo mo. It will be more fun kung nakaharap ka samin! Haha!"

"Yieeh!! Austin!! Haha!!" asar niya sa akin na may kasama pang panunulak. Masyado talaga silang brutal lalo na si Vian. Kailangan mo siyang layuan kapag kinikilig dahil siguradong matatadtad ka sa tulak at hampas.

"Austin! Austin! Austin! Wooh! Haha!" parang bigla naman akong kinabahan sa mga ginagawa nila. Unti-unting lumalakas ang boses nila habang inuulit ang pangalan niya.

Sinuway ko naman sila kasi ako ang nahihiya sa mga ginagawa nila. Nasa gym kami pero nagmumukha na silang tanga kakasigaw at kakatawa.

"Tigilan niyo na nga! Isa!" bilang ko sa kanila ng may kasama naring tulak. Mas lalo akong nataranta kasi papaalis na sila Austin at papalapit dito sa direksyon kung saan kami nagkumpulan.

"Ala! Grabe naman kayo! Itigil niyo na!" tumataas na yung boses ko at nagpapapadyak dito kakapilit sa kanila para tumigil, pero parang walang silang naririnig. Tumingin uli ako sa dako nila at hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Austin meet your destiny, Suzy! Haha!" lumakas pa ang tawa ng mga kaibigan ko samahan pa ng pagtawa ng mga lalaki dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hiyang-hiya na ako! Lupa kainin mo na ako! Huwag mo na akong ibalik sa mundong ito! Nagmamakaawa ako!

Lumakas pa lalo ang kantyawan. Wala na suko na talaga ako sa kanila. Bahala sila sa kung anong iisipin nila.

"Argh! Nakakainis kayong lahat! Just die!" nilamukos ng aking dalawang palad ang aking mukha bago nagmartsa paalis sa harap nila at dumiretso na palabas ng gymnasium. Mula dito naririnig ko parin ang mga halakhak nila.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Ang dalawang palad ko ang siyang nakatakip sa aking mukha. Bahala na kahit mag-isa akong naglalakad ngayon dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay nauna na.Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. Hindi ko na muna iintindihin yun sa ngayon.

Pagkadating ko sa classroom ay kinuha ko na.agad yung uniform ko at pumunta sa cr upang makapagpalit. Sinamantala ko na ang pagkakataon na hindi mahiya dahil sa pang-aasar nila, dahil ang buong pansin nila ay nakatuon sa pag-aayos ng kanya-kanyang sarili. Matapos kong makapagpalit ay inayos ko na ang mga damit ko at rubber shoes at maayos na inilagay sa bag ko. Umupo na lang ako sa upuan ko at yumuko sa arm chair ko.

"You are my destiny!!! Woah woah!!! You are my destiny!!" wala pang limang minutong nakayuko ako ay umalingaw-ngaw sa buong klase ang boses nila. Napaigtad ako at tumingala upang tingnan kung sino ang mga ito. Kahit alam ko naman na kung sino sila ay tinignan ko parin kung sino ang pintatamaan nila.

"Kulang si Suzy, kung wala si Austin!!! Haha!!" napasimangot ako sa narinig ko. Ano na namang pauso ito. Pinalitan pa nila ng pangalan namin yung mga pronoun sa kanta. Nakakainis talaga.

Sa gitna ng inis ko ay pakiramdam ko namumula na ako. Maaaring sa inis o dahil sa kaba dahil nililink ako sa taong gusto ko. Hindi ko na talaga alam!

"Wooh!! Yieh!! Suzy ah lumalove life!! Haha!!"

"AuZy!! AuZy!! AuZy!! Woot woot!! Haha!!" kantyaw pa ng iba na pinagsama yung pangalan namin. Sasabog na ata ako sa mga nangyayari ngayon. Kapag titingnan naman si Austin ay tumatawa lang siya.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon