Chapter 4

56 3 0
                                    

Basketball

"Goodmorning Charles!" bati samin ng Prof namin sa Mapeh.

"Goodmorning Maam!" sabay sabay naming bati sa kanya at tumayo. Umupo narin kami ng makaupo na siya sa upuan sa harap.

"So who won sa volleyball which group?"

Tumayo naman ang president namin. Si Delmoure nga pala ang classroom president namin.

"Maam the group 2 ranked first, group 3 ranked second then group 4 then group 1." sagot niya sa aming guro at pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo.

"Bring out your notebook! Faster!" pakiramdam ko may quiz kami. Isa kasi si Maam Ramos sa mga prof na mahirap magpaquiz.

"Number One!" kahit ang iiba ay hindi pa nakakalabas ng notebook ay nagsimula na si maam. Pati ako'y nataranta narin. Agad kong pinunta sa pinakalikod na page ang notebook ko at doon nagsulat.

"Exchange notebook! One! Two!" taranta naman akong nakipagpalit sa katabi. Okay lang naman yung quiz dahil may konting knowledge ako sa volleyball at nakikinig din ako tuwing may discussion. After cheking ay nakahinga na ako ng maluwag dahil kahit papaano eh nakapasa ako.

Nagstart na uli si maam ng panibagong topic at this time basketball naman. Maraming nagrequest na ibahin ang groupings dahil uneven ang distribution ng boys per group.

Pinatayo lahat ng boys. Bale sila lang yung magreregroup. Sana mapunta samin yung mga sporty.

"1, 2, 3, 4, 1, 2, 3, 4" hanggang umobot malapit kila Austin at Laurent. Magkalapit lang kasi ang dalawa. Fingers crossed sana kahit sino sa kanila kagroup ko.

Walang malisya. I just want them in our group because both of them are good in basketball especially Austin. Nakita ko na siyang maglaro dati at ayon narin sa iba kong kaibigan ay magaling talaga siya.

"One!" John

"Two!" Syd

"Three!" Laurent

"Four!" Austin

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Yes, kahit na hindi si Austin ang three ay okay lang din. Nasa group din kasi namin si Karl.

Nagmeet muna sandali ang mga groups. At dahil si Karl ang may pinaka may knowledge sa amin ay siya ang nanguna sa pagtitipon.

"Tomorrow, 15 minutes warm up, 45 minutes of game no break! Be sure to be in the gymnasium 8:30 sharp! Class dismissed!"

Lahat ay natahimik dahil sa sinabi ni maam. Hindi man lang iconsider yung time ng pagbibihis. Wala kasing break after ng first subject diretso second agad.

Bilang mga high school students, pagkalabas ng prof ay kanya-kanyang buhay agad. Iba-ibang mundo na agad. Pumunta na ako sa mga kaibigan ko sa isang side ng room, doon sila nagkumpulan.

"Grabe! Paano kami mananalo kung yung boys na napunta samin ay sila Jacob, Amiel, at si Kurt ang lalaki!" reklamo ni Vian dahil yung mga boys na napunta sa kanila ay kung hindi sporty ay hindi pusong lalaki at walang hilig sa sports.

"Girl power na lang Vian!" pagcheer ko sa kanya ngunit paglingon ko eh parang naluluha na siya.

"Sorry Vian! Sorry na!" sigaw ni Retrai sa kanya na sinamahan pa nina Harlynd. Ganito kasi samin kapag may bad trip sa barkada o may iiyak na idadaan lahat namin sa asaran para gumaan ang atmosphere.

"We are so lucky! Our group is so lucky!" saad ni Thalia dahil for sure ay mananalo sila dahil nasa group nila si Austin, Matthew at Jay. Mga magagaling sa basketball. Highest na naman malamang yung group 2.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon