Chapter 15

42 2 0
                                    

Pissed

It's Saturday tomorrow and schedule is all free without worries. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa study table kung nasaan yung phone ko.

What can we do tomorrow? Hang out? Yes. Mahilig naman sila mag-mall kaya okay lang yan. Aayain ko na lang sila. Napagdesisyunan ko na itext lahat ng barkada na bukas ay lalabas kami. Pumayag naman sila sa napagkasunduang oras.

"All the times that you rain on my parade...
And all the clubs you get in using my name..." awit ko habang inikot ang swivel chair at humarap sa malaking black and white na interior ng kwarto kung saan may malaking salamin. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Ano kaya ang magandang isuot bukas?

Hindi ko alam, pero muli na naman siyang pumasok sa isipan ko. Bigla akong kinabahan, para bang may kutob ako na may mangyayari bukas. Tsk! Aasa ka na naman! Ayoko na nga siyang isipin, masakit mag-expect na makikita ko siya, dahil pinapaasa ko lang ang sarili ko.

"Hayy..." nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga habang tinitignan ang hubog ng katawan ko. This days ay masyado nang napaparami ang kain ko at baka hindi ko na ma-maintain ang figure ko. Lol. But seriously, I'm conscious about my body.

Nagpatugtog na lamang ako ng isang kpop song. SNSD's Mr. Mr. Nakaugalian ko na, na tuwing gabi ay magsasayaw ako ng isang kanta. Ipo-polish ang mga steps and make it more sharp while facing the mirror. It also serves as one of my daily exercise.

"That's enough for this day Ae! Take a rest! Don't think about that guy anymore, he'll just ruin your dream and might turn it into a nightmare. Understood?! Yes. " saad ko sa harap ng salamin na para bang kinakausap ang sarili ko. Nang mga nakaraang araw ay napapansin kong napapadalas na kausapin ko ang sarili ko sa salamin. Parang may pinagdaraanan naman tuloy ako. Tss. Matulog ka na Ae!

****

"This or this? Which is better?" tanong ko kay Kuya Syn habang may hawak na dalawang distinct blouses sa pintuan ng kwarto niya. Though may sense of fashion naman ako, I'll admit na mas magaling siya sakin.

"The white one is better on your ripped jeans." sagot niya sakin.

"Thanks kuya!" pasalamat ko sa kanya at lumabas na ako sa pinto at isinara ito.

Dumiretso na ako sa kwarto at isinuot ang isang white long sleeve with a colar and a tribal printed pocket on the right. So basically, I'm wearing a white long sleeve tucked in my faded ripped jeans and a white doll shoes. How deeply inlove I am with white.

Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok na may soft curls sa dulo. Nag-apply ako ng kaunting powder at lip balm. I'm not that addicted to makeups though.

Hindi na ako nagpahatid kay Manong Rex. Ginamit ko na lang yung sasakyan ko since may student's license naman ako. Tinextan ko na ang mga kaibigan ko habang nasa sasakyan. Pabalik-balik naman ang tingin ko sa phone at sa stores ng mall dahil ni isa sa kanila ay walang nag-abalang magreply.

"Where are they?" nagsimula na akong maging impatient. Naghintay pa ako ng sampung minuto sa meeting place namin bago napagdesisyunang gumala mag-isa. Since hindi naman nila ako sinipot, I'll just enjoy myself.

Pumasok na ako sa ilang stores, Bench, Penshoppe, Forever21 and such. Mukhang bibili na lang ako ng bagong damit since last month pa yung binili ko at malapit ng matapos ang buwan na ito. Kung anu-ano ang binili ko, there are clothes, bags, shoes and even my favorite perfume. All for me, baka yung ibang hindi ko magagamit ay ireregalo ko na lang sa kaibigan ko sa birthday niya.

"What will I eat?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa mga restau dito sa mall. Hindi pa naman ako masyadong gutom, nagtungo na lang ako sa mga sportszone. I'll really enjoy being lonely today.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon