Chapter 20

46 2 1
                                    

Hashtag

Weeks had passed mas lalong naging komplikado para sa akin ang lahat. Sa bawat oras na lilipas hindi mawawala ang away sa pagitan nila tuwing nasasali ako sa usapan. Lalo na kapag lumalapit si Laurent ay palaging nandyan si Vince.

Ewan ko ba sa kanila! But glad that they still stay civil with each other.Hindi ko alam pero sa mga nangyayari mas lalong nag-iiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Hay..ewan!

Ang simple sana ng buhay ko kung hindi pa ako nagkakagusto ano? Wala akong poproblemahin sa araw-araw na pagpasok ko. Kaso ganun talaga eh, wala pa yung problema nag-iisip na agad ng solusyon. Papunta pa lang inaatrasan ko na kaagad.

I'm no optimist and that's true. I will not let myself fall for something that's only good in my eyes. Crush life is so hard for me, because I always end up broken and sad.

"Suzy, do you miss him already?" I was stunned with her question. Ano bang pinagsasasabi ng kaibigan kong ito?!

Well, he's currently gone for 3 days because Laurent joined a Regional Leadership Training. While Vince is out for almost a month because of their training for the upcoming Cavraa. So basically I have no problems for this week. Except for my seatmate, Delmoure.

Ugh.

"Huh?! Sino naman?!" agad kong tanong sa kanya pabalik kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Dahil siya lang naman ang may lakas ng loob na asarin ako sa bagay na iyon.

"Si ano ay... Hihi!" naku naman! Pasuspense pa talaga. Ewan ko pero tinatawanan ko na lang siya. Tss. Bahala siya.

"Tigilan mo ako Rie ah. Atsaka, ang swerte naman niya kung namiss ko siya. No I won't!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Samantalang siya nakakapit parin sa braso ko at pilit na sinasabing namimiss ko nga raw. Kainis!

Lumipas ang oras ayun nga normal naman dahil wala silang dalawa kaya walang gulo. Kaso itong si Mr. President slash seatmate ko ay ipinanukala na yatang proper seat palagi dahil baka daw may magkopyahan. And guess what? I ended up being stuck with him for the whole grading. Kapag wala siya at may inasikaso ay tsaka ko pinalilipat si Rie. Pasaway na bata!

"Rie, pwede bumalik ka na sa proper seat mo. I have to seat." saad ni Delmoure kay Rie pero sadyang ang babaeng ito ay laging pinaglalaban ang karapatan niya. Tsk. Karapatan.

"Ihh..! Pwede ka naman ng umupo diyan eh. May isa pa namang vacant seat!" pagrereklamo ni Rie sa kanya. I just stayed quiet sa pagitan ng pag-uusap nila.

"Gusto ko siyang katabi. So please, will you?" mahinahon niyang pakiusap kay Rie. Araw-araw na nga kaming magkatabi, pati ba naman breaktime ipagkakait sakin?! Argh!

Dahil sa sinabi niya ay tumungin ng makahulugan sa akin si Rie at nginitian muna ako. Isa siya sa mga nakakaalam tungkol sa bagay na ito. I liked him, before. And he doesn't know a bit about it dahil dumistansya na agad ako. I don't want him to know anything about it.

"Thanks Rie." sabi ni Delmoure ng umalis na si Rie at pumunta na lamang sa iba naming kaibigan sa likod.

Akward.

Tuwing magkatabi kami ay sobrang awkard ang nararamdaman ko. Pinipilit ko lang na kausapin siya sa maayos na paraan. Sinasabayan ko narin ng kaunting tawa para naman mabawasan ang awkward silence.

I just continue to eat my food. My favorite Monde with strawberry filling. It just taste good for me.

"Ae?" pagtawag pansin niya sa akin.

"Hmm..?" I said ng lingunin ko siya habang tinatapos nguyain ang nasa bibig ko.

"I just miss you." muntik naman akong mabulunan sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa I miss you niya.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon