Chapter 13

33 2 0
                                    

Indirect

Nagsimula ang mga activity at nagdiscuss na rin ang lecturer. Hindi maiwasan na humugot dahil halos lahat naman ay related sa love. Napuno ng hiyawan ang paligid at maging ako ay hindi maiwasan ang mapangiti sa mga nababanggit. Hindi ko nga tuloy alam kung Leadership Training ba ito o hindi.

"Minsan kasi sa love, kailangan mong mag-ingat dahil sa konting kamali lang maaari siyang mahulog sa iba." ang katatapos lang kasi na activity ay pagpapatungin yung mga plastic cups forming a pyramid gamit lamang ang rubber band habang hinihila ng bawat member ang sinulid na nakatali sa band. Kailangan kasing maingat dahil baka mahulog yung cup sa isa pang cup at maging speed-stack na siya.

Naghiyawan muli ang lahat at tila ba kany-kanyang parinig ang bato nila sa kaibigan nila. Hindi ko mapigilang matawa dahil itong katabi ko ay kanina pa ako inaasar at ipinagpipilitang mahal ko siya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang hinahanap siya ng mata ko. Siguro gusto ko siya, siguro.

"Iba ang sinasabi ng bibig sa totoong nararamdaman." mas lalo pa akong kinantyawan ni Rhoxie. Ipinapakita ko na hindi ako apektado, but deep inside tinamaan talaga ako, because that's what I'm doing right now.
All things I feel is being denied by my mouth.

"Admit it, may gusto ka sa kanya." saad niya sa akin.

"I know, Fine! I like him." pag-amin ko sa kanya dahil mukhang hindi ko siya matalo-talo pagdating dito. Simula pa kagabi ay lagi na lang akong walang sagot tuwing tatanungin niya ako.

Alam niya na pinipigilan ko yung nararamdaman ko. Alam niya na ayaw kong umasa. Para bang ang dami na niyang alam na tumutugma sa damdamin ko ng hindi pa ako nagkwekwento sa kanya?

"Pero ayoko na siyang magustuhan. Ang hirap ng umaasa at nangangarap." mahinahon kong sagot sa kanya.

"Bakit ba kasi pinipigilan mo na? Hindi pa naman nagsisimula?" saad niya. Oo nga't hindi pa nagsisimula pero hindi niya naman ako makikita dahil may ibang nakaharang.

"Because I don't even have a tiny chance. And I don't want to make myself stupid liking him, with him liking someone else."

"Be positive! Malay mo meron diba? I'll ask him!" napabalikwas ako sa sinabi niya. Bakit niya kailangan tanungin? Iisipin lang niya na may gusto talaga ako sa kanya?!

"Don't ask him! Lalabas lang na gusto ko siya!"

"Hindi naman direct. I'll just ask if he have a crush on you? Or maybe if you're his crush? Things like that!"

"Bahal ka na nga!"

Hindi na muna ako makikinig. Baka kung ano pang mangyari sa puso ko at ayokong umasa kung sa umpisa pa lang ay wala na.

****

Sumapit ang gabi at narito kami ngayon sa room nila sa Science Curricula para magshower. Alas-otso pa naman kasi ang start ng activity.

Natatawa na lang ako sa mga nakikita ko dahil halos magpatayan na sila sa harap ko, pero naglalaro lang pala sila. May nagdadaganan, nagsasampalan, sabunutan at kung ano-ano pa. Pasalamat ko na lanag dahil kahit hindi ko sila kaklase ay hindi nila ako ini-etsapuera.

Nang makarinig na kami ng ilang mga boses dahil sa speaker ay nagmadali na kaming pumunta sa quarters sa baba. Natatawa nga ako dahil wala kaming dalang flashlight at maririnig ang tunog ng tsinelas namin dahil sa pagtakbo ng mabilis, kumagat na kasi agad ang dilim.

Mukhang magsisimula na dahil nakabilog na lahat ng campers. Nagtungo na kami sa kanya-kanyang subcamps at naghawak ng kamay.

Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa apoy sa gitna. Heto na naman at pagkahawak na pagkahawak ko ng kamay ng mga ka subcamp ko ay nagbilang agad ako ng seven. Hinahanap na naman siya ng mata ko. Nang makita ko na siya, hindi ko alam pero napangiti ako. Gusto ko ba talaga siya?

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon