Chapter 2

74 4 0
                                    


Night

Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng CR ay sumisigaw na agad itong si Delmoure. Masyado naman yata siyang nagmamadali. Talaga naman itong kaibigan kong ito.

"Suzy! Bilisan mo ah. Dalian mo! Suzy!" sa sobrang pagkataranta ko eh tinapakan ko na yung mga nakalatag na beddings ng mga classmate ko. Buti na lang kamo't nakapaa ako at bitbit ko yung tsinelas ko.

"Oo! Nandyan na! Masyado ka namang atat!" sigaw ko pabalik sa kanya na kasalukuyang nakadungaw sa pintuan ng classroom. Nang makarating ako sa mga gamit ko ay agad ipinatong ang mga nagamit ko ng damit sa ibabaw ng maleta ko. Tumungtong ako sa upuan upang isampay ang towel ko ngunit dahil nga kagagaling ko lang sa banyo at basa pa ang paa ko ay nadulas ako.

May naramdaman akong nakahawak sa baywang ko para alalayan ako. Nilingon ko ito at hindi ako nagkamali na si Delmoure ito. Nanatili akong nakatayo sa upuan at tuluyang isinabit ang basang tuwalya.

Pagkababa ko ay isinuot ko na yung tsinelas ko. Napatingin ako sa mga tao sa loob, baka kasi may nakakita sa pangyayari. Buti naman at yung iba ay wala sa akin ang atensyon. Pero yung mga kaibigan ko.

"Yieeh!!!Suzy baka mahulog ka ah!Kinikilig ako!" usal ng isa kong kaklase.

"Baka yan na ang prince charming mo ah! Hihi!"

"Oo nga! Bagay kayo!yieeh!!"

"Tigilan nyo nga ako. Tsaka huwag kayong painosente na hindi nyo kilala yung gusto ko. Talaga 'tong mga ito. Tsk."

Lumabas na kami ng classroom. Hindi naman nakakahiya yung suot besides gabi naman na kaya okay lang kung nakapantulog ako. Maayos naman ito. Brown pajama, white shirt at hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko.

Dumiretso na kami sa kubo sa harap. Madilim na ngayon at tanging ang ilaw na nagmumula sa silid namin ang ginawa naming liwanag. Maya-maya'y naramdaman kong lumubog yung paa't tsinelas ko sa isang malambot at malagkit na lupa.

"Argh! Kung minamalas ka nga naman!" reklamo ko dahil sa putik na naapakan ko.

"Delmoure, sandali lang at maghuhugas lang ako ang paa." paalam ko sa kanya at nagsimula ng maghanap ng gripo. Hindi naman kasi pwede sa room dahil nakalatag na ang higaan nila. Tiyak na sisigawan lang nila ako.

Nang sa wakas ay nakahanap na ako ay ginawa ko na ang dapat gawin at bumalik na ako sa kubo. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang sulok.

"Ano? Ready ka na ba? Kaya mo na bang kausapin siya?" tanong ko sakanya ng makaupo na ako sa tapat niya. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa maliit na lamesang nasa harap ko. Nang lingunin ko uli siya para sa sagot niya ay kibit at iling lang ang nakuha ko sa kanya.

"Paano kayo mag-uusap kung hindi mo kaya. We can cancel it tonight. Maybe next week can do Delmoure. Besides hindi natin alam kung pupunta ba siya."

"Pupunta sila ano. Sinabi ko kay Darril na pumunta sila dito ng ganitong oras."

"Eh nas-"

"Andyan na sila!" naputol ang sinabi at nilingon ang dahilan ng kabang nararamdaman niya.

"So kasama sa uspang ito si Darril? Akala ko ba kayo ni Karl ang mag-uusap?!" mukhang hindi niya talaga kaya na walang kasama.

"Okay lang naman sakin. Tsaka request din niya. Besides andito ka, spokesperson kita. Kay Karl naman si Darril para fair."

Dumating na sila Karl dahil hindi naman kalayuan yung room na pagstayan nila. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Katahimikan ang bumalot, ngunit agad itong nawala ng magsalita si Darril.

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon