"Lulu, iayos mo iyang nametag mo, at hindi kita ang pangalan mo!"
Ngiwi ang isinagot ko kay Madame Tricia nang gabing iyon. Unang subok komsa trabaho at pakiramdam ko talaga ay napasubo ako dahil sa hitsura ko ngayon. Ang ikli ng palda ko tapos ay halos litaw na ang dibdib ko dahil sa neckline ng unipormeng suot ko. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko kasi kapag tumuwad ako, makikita nila ang kuyukot ko at nakakahiya iyon kung iisipin ko. Akala ko ay sapat na ganoon ang damit ko pero nagulat ako nang bago ako lumabas ng silid ay hinatak ako ni Kimberly para lagyan ng make - up. Hindi daw kasi matutuwa si Madame kapag pumasok ako na walang kaano-ano. Kailangan maayos ang buhok at maayos ang mukha ko.
"Iayos mo iyan, Lulu!" Sabi pa niya sa akin nang makalapit na siya. Napangiwi pa ako nang pati ang vest na suot ko ay ayusin niya. She made sure that my breasts will pop. Hindi man ako komportable ay wala akong magagawa. Ibinigay niya sa akin ang menu ng restobar at pinatayo na niya ako sa may pintuan para paulit-ulit na magsabi ng Welcome! Table for how many, Sir?
"Mukha akong multong bakla." Bulong ko habang inaayos at pilit itinatago ang dibdib ko sa loob ng aking damit. Natawa naman si Kimberly sa akin."Gaga! Ang ganda mo nga eh! Mamaya sa bahay ahitin natin iyang kilay mo. Ise-shape ko. Kamukha mo kasi si Helga sa Hey Arnold. Malapit nang mag-isang line ang kilay mo."
Sinimangutan ko siya. Napansin ko kay Kimberly na may pagka-pintasera siya. Medyo malibog din siya dahil kagabi halos magdamadg na lumalangitngit ang kama sa kakakembelar nila ng nobyo niya. Hindi na siya nahiya sa akin. Double deck ang kama at ako ang nasa itaas, dama ko kung anong ginagawa nila.Napakagat-labi ako nang maalala ko kung paano din ako kapag nagkekembelar kami ni Dante noon.
Mula nang bata ako ay pangarap ko nang ibigay ang sarili ko sa taong pakakasalan ko at sa kaso ko ay si Dante iyon. Mahal ko talaga siya at naramdaman ko din naman ang sinasabi niyang pagmamahal. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya na ang nasa isip ay siya ang pakakasalan ko. I want him to be my first and my last but I don't think that it's possible anymore. Ang aga ko kasing lumandi.
Tanda ko iyong unang beses naming dalawa. Martes iyon at umuulan.
Tatlong buwan na kaming magkasintahan at kagagaling lang namin sa burol dahil nagpicnic kami. Umulan non nang malakas kaya agad kaming umuwi sa bahay niya. Nagtatawanan kamin dalawa. Magaan sa pakiramdam ang tunog ng halakhak ni Dante.
"Pangga, maligo ka na muna para hindi ka magkasakit." Sabi niya sa akin nang makapasok kami sa bahay.Nasa itaas kaming dalawa. Noon lang ako nakapasok sa silid niya. Okupado noon ang buong ikalawang palapag. Binigyan niya ako ng twalya at sinabihan akong pumasok na sa paliguan niya. Namamangha ako sa mga painting na nakikita ko, pinakanakatawag ng pansin ko ay ang painting ng isang babaeng tumatakbo sa gitna ng damuhan -- matataas na damo iyon. Nakaputi siyang bestida at may mahabang belo sa ulo.
"Runaway bride..."Usal ko.
"Runaway Heiress." Sagot naman niya.Napatingin ako sa kanya. May kung anong apoy sa mga mata niya na tila hindi ko mawari. Hinaplos niya ang mukha ko. Sigur ay isinawsaw ni Dante ang kamay niya sa mainit na tubig dahil napakainit ng kanyang mga palad. Kumakabog ang dibdib ko.
"Pangga..." Tinawag niya ako. Napaawang naman ang mga labi ko. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang may nais siyang gawin pero pinag-iisipan niya pa.

BINABASA MO ANG
The way I was
Ficção GeralWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017