"Retrograde amnesia. That's what he's suffering from."
I was intently listening to the doctor as he talks to my parents. Naroon din ang mga kapatid kong sina Hunter, Heath at Haley. Dad seemed skeptical. Walang habang niyang sinabi sa doctor na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko na siya namang ikinagulat ni Mama. Hindi ko rin naman siya masisisi pero ang desisyon ko ay pinal na. Gagawin ko ito para sa ikababawi ng lahat ng ginawa ko.
"It is a loss of memory-acces to events that occured before a time being. Iyon ang nangyari kay Hyron. Siguro bago ang insidente ay naka-set ng isip niya sa timeline na iyon kaya doon huminto ng alaala niya. Babalik rin naman ang memorya niya, we just have to be patient and wait for him."
Matapos ang paliwanag ay agad namang nagpaalam ang doctor ko. Naiwan kaming lahat sa silid. Si Mama ay hinaplos ang mukha ko tapos ay nagpaalam siya na pupuntahan si Hyan. Hindi ko pa alam kung anong nangyari sa kakambal ko. Hindi ko pa siya nakakausap. Ang narinig ko ay nakunan si Hyan. Alam kong kailangan niya ako ngayon, hindi ko naman siya iiwan pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang plano ko.
Daddy looked at me. I stared at him blankly. Siniguro kong wala siyang makikitang kahit na ano sa mga mata ko.
"Dad, don't tell me you believe him?" Hunter hissed.
"What do you expect? He's faking it? He passed all the tests!" Heath argued. Napansin kong nakatingin sa akin si Haley. Tumabi siya sa akin at pumangalumbaba.
"How old am I?" She asked me.
"In my memory you're eight years old. Now, if they said that I jumped back ten years ago you'd be eighteen now." Nagulat ako nang humagikgik siya at tuluyan nang umupo sa tabi ko. Yumakap siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Haley. Ang natatandaan ko ay galit siya sa akin at hindi niya ako gustong makasama.
"Noong wala kang amnesia galit ako sa'yo kasi you never gave me the chance to experience having a big brother that is not annoying plus you almost ruined the family, now that you have amnesia, technically, what you did didn't happen and technically, I don't hate you for it. You're my kuya."
"Hals..." Napatingin kami kay Hunter. Galit na galit siya. "Nagpauto ka rin? Tsk. Sige Hyron, sino si Lualhati?" Tanong niya sa akin. Napalunok ako. The name stings my heart but I have to keep the pain hidden.
"I don't know."
"She's my girlfriend." Sabi ni Hunter.
Naikuyom ko ang mga palad ko. "Okay. How's you're girlfriend?" Kalmado pa rin ako.
"She's very good in bed." Sabi niya pa. Nakakita ako ng dugo. Pero ipinaalala ko sa sarili ko na hindi ako dapat magpakita ng kahit na anong reaksyon sa kanya. Nakangiti ako.
"Good. I'm happy for you."
"Hunt, stop bullying Kuya. Hindi niya nga alam ang sinasabi mo!" Sigaw naman ni Haley. Napansin kong tumayo si Dad sa likod ni Hunter at tinapik ang kanyang balikat. Naupo siya sa silya na kanina ay inuupuan ni Haley.
"Hyron, we saved Artie." Panimula niya. "But you got shot and you fell in the ocean. We lost you and we all thought you died."
"What?" Kunwa'y nagulat ako. Tumingin pa ako sa kanilang lahat. Tumango si Daddy. "P-paano ako nakauwi? If you all thought I died how am I here?"
"You came back after Sancho died."
"Lolo Tatay died?!" I exclaimed. Hinaplos ni Haley ang balikat ko. Huminga naman nang malalim si Daddy. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang bumagsak sa mga mata ko. Basta naiyak ako. Hindi ko sigurado kung para saan.

BINABASA MO ANG
The way I was
General FictionWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017