5. Soul

97.8K 3.2K 864
                                    


Hindi ko alam kung paanong pigil ang gagawin ko sa tuwing makikita ko si Dante. Ang sabi sa akin ni tatay ay limitahan ko raw ang sarili ko sa amo niya dahil kahit na bata ito ay kakaiba daw ito mag-isip at isang patunay doon kung paano niya napalago ang negosyong ito.

Ang kwento niya sa akin noon ay nagsimula ang daw si Dante Mercado sa isang bangka at maliit na banyera. Dalawa lang silang nangingisda noon pero nagising na lang daw siya isang araw na dumarami na ang sinu-supply-an nila ng ga sariwang isda.

Kahit na may nararamdamang pagtataka ang Tatay ko ay natuwa siya dahil hindi na siya namoblema sa pag-aaral ko. Napagtapos niya ako ng nursing sa siyudad, nakapasa naman ako sa exam pero ang hirap maghanap ng trabaho na in- line sa course na kinuha ko.

Marami ngang ospital sa siyudad pero marami rin ang nurses na nangangailangan ng trabaho kaya ang nangyari ay para bang unahan na lang. At isa ako sa minalas na palaging nauunahan kaya imbes na sa ospital ko magtrabaho ay nauwi ako sa pagiging tindera sa palengke. Nagtitinda ako ng gulay. Malaki naman ang kita, sapat para maipadala ko sa probinsya. Pero kasabay din noon ang pagpapanggap ko.

Hindi alam ni Tatay na hindi ako nurse.

Sinubukan ko namang maghanap ng ibang trabaho, iyong nakauniporme at palaging bihis. Matatanggap na nga sana ako sa isang call center nang tawagan ako ni Lila --- ang bunso kong kapatid --- para sabihin na may sakit ang tatay. Kinailangan kong umuwi noon at ang una niyang bilin sa akin ay ang ako muna ang magtrabaho sa isdaan para hindi naman nakakahiya sa amo niyang si Dante Mercado.

Ang inaasahan kong Dante ay isang matandang kalbo na malaki ang tyan at kulang sa ngipin. Panatag akong nagpunta sa isdaan nang araw na iyon. Kilala naman ako ng mga kasamahan ni Tatay kaya agad nila akong sinagot nang hanapin ko si Dante Mercado. Itinuro nila ako sa isang bahagi ng dalampasigan kung saan may dalawang magkausap na lalaki. Isang mataba at malaki ang tyan at iyong isa nakatalikod sa akin. Agad akong nagpunta sa kanila.

Sa pagkakataong iyon ay nagkamay na silang dalawa. Umalis ang matabang lalaki. Akmang susundan ko iyon nang sensyasan ako ji Aling Jean. Itinuturo niya sa akin ang lalaking nasa harapan ko at nakatalikod.

Humarap siya at ganoon na lang ang pagtataka ko.

Ito si Dante? Matipuno siya at bata pa. Mukhang maliksi at matikas ang kanyang tayo. Nang makita niya ako at kumunot ang noo niya.

"Ako si Lualhati. Anak po ako ni Mang Jaime. Ako muna po kasi ang papasok para sa kanya. May sakit kasi si Tatay."

Matagal niya akong tinitigan na para bang minamaliit niya ang aking kakayahan. Nakipagkamay siya sa akin. Nakangiti na siya sa pagkakataong iyon.

"Dante." Pakilala niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na kami sa trabaho. Nang nasa banka na kamimay ipinakita ko sa kanya na aral ako sa mga gawaing ganito at ipinakita sa kanya na hindi ako dapat maliitin.

Mukha namang nakuha niya nais kong iparating. Mula nang araw na iyon ay hindi naman na ako nakaramdam ng pagmamaliit galing sa kanya.

Sa tuwina ay natutuwa akong makita siya. Napakabait niya kasi sa mga tauhan niya. Kahit na sabihing may kaya siya ay hindi ko kahit minsan nakita na naging mapagmataas siya.

"Ate, crush mo si Dante no?" Nagulat ako sa tanong sa akin ni Lila isang hapon habang naglalakad kami sa tabing dagat. May hawak akong yellow bell. Inilagay ko iyon sa tainga ko tapos ay tiningnan ko si Lila. Nakangisi siya sa akin at nanunudyo.

"Hindi ah!"

"Hidi daw pero kagabi noong natutulog ka tinatawag mo ang pangalan niya! Sabi mo, Dante, Dante... hmmm ang gwapo mo. Tapos kumikilig-kilig ka pa!"

Namula ang mukha ko. Sa inis ko ay binatukan ko si Lila at hinatak ang dulo ng buhok niya.

"Wag na wag mong sasabihin iyan sa iba! Nakakahiya!"

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon