14. Game Change

74.8K 2.7K 128
                                        

The years that passed by did well in my life. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa iyon dahil noong lumayo ako kay Hyron Demitri ay saka dumating sa akin ang swerteng noon ko pa hinahanap. Hindi naman naging madali ang buhay sa Italya. Sa unang dalawang taon ay naging napakahirap niyon para sa akin. Halos nakakulong kaming dalawa ni Lila sa bahay kung saan kami inilagay ni Eos Demitri. Hindi lang iisang beses kong sinubukan na makipag-usap kay Hyron para hingin ang tulong niya. Iyon nga lang sa tuwing ginagawa ko ay gumagawa rin ng hakbang si Eos para lalong mapatagal ang pakiipag-usap ko kay Hyron.

He did everything. Hindi lang iisang beses niyang ipinamukha sa akin na kayang-kaya niyang patayin si Hyron kung sasaliwa ako sa utos niya. Ipinaalam niya sa akin na may taong nakapaligid kay Hyron na isang sabi lang niya ay mauulit ang nangyari noon bago kami umalis ng Pilipinas at ayokong nang makitang masaktan siya o kung anuman.

Sa aming dalawa, ako ang nagsaksripisyo. Kaya ko naman siyang mahalin sa sarili kong paraan. Hindi kailangan na magkasama kaming dalawa para lang magkaroon ako ng laya na mahalin siya. Ipinapadama ko kay Eos sa bawat araw na mahal ko si Hyron at iyon din ang dahilan kung bakit nasa Italya ako. Hindi ko kailangan ng kahit na sino para makatayo ako sa sarili kong mga paa. Eos offered his help but I didn't accept it. Ang tawag ko sa tulong niya ay tulong galing sa Hudas. Because that's what he was – a traitor, Satan's spawn.

Sinikap kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nagtrabaho ako kahit na anong pilit niyang ikulong ako sa bahay. Karapatan ko iyon bilang tao – ang makalaya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin noon, hanggang sa isang araw ay may ipinakita siya sa aking article sa internet.

Tanda ko pa ang naramdaman ko niyon. Naroon si ang larawan ni Hyron. The shot was candid, hindi pa nga siya nakatingin sa camera. But what caught my attention more was the woman standing beside him. Ayon kay Eos, ang pangalan ng babae ay Junko Nagao – and that woman was Hyron's fiancé.

Hindi ako naniniwala noong una. I mean, it's the internet, anything can be written about someone or something and it will look truthful, but then, when I heard the news on the television, nawasak ang puso ko.

Totoong ikakasal si Hyron sa babaeng iyon. Mukhang nakalimutan na niya ako. Naisip ko pa nga na marahil ay galit na galit siya sa akin dahil sa pag-alis ko nang walang paalam. Siguro ay kung ano-ano na ang masasamang iniisip niya sa akin.

Sa mahabang panahon ay iniyakan ko ang paglimot ni Hyron sa akin. I moved on. Hindi ko sinubukan. Ginawa ko talaga. I have to save myself from the misery.

Matapos ang pangyayaring iyon ay nagbago ang pakikitungo ni Eos sa aki. Hinayaan na niya akong maging malaya hanggang sa dahan-dahan at unti-unti na niya akong iniwan sa Italya. Mas naging maayos ang buhay naming magkapatid noon. Nag-aral si Lila habang ako naman ay nagtrabaho sa isang RTW Company. Sa pagiging utility ako nagsimula. Maayos naman ang pasahod sa akin noon. Hindi ko na kinailangan tumanggap pang iba pang trabaho at mas lalong hindi na ako umasa sa mga bigay ni Eos. Nang maging regular ako ay sinikap kong makahanap ng apartment na malilipatan naming dalawa ni Lila. Umalis kami sa bahay na iyon nang hindi nagpaalam at wala akong balak sabihin sa kanya kung nasaan kami.

I did everything I could to be able to provide for my sister. Tinutulungan rin naman ako ni Lila. Sa Italya, naging mahirap ngunit maayos ang buhay naming dalawa. Kung minsan ay naiisip ko ang Tatay, kung siguro ay nabubuhay siya, matutuwa siya sa nakakamit naming magkapatid ngayon.

I had another break when the company's main designer saw me. Matapos iyon ay hindi na niya ako tinitigilan sa kakasabi na dapat daw akong sumali sa Europe's Top Model. It was a joke – I thought. Why would she even think that? Yvanka Rochellana – my boss - was out of her mind.

I didn't take it seriously. Why would I? I know how I look. I'm too plain and too simple. Wala akong self-confidence. Mahirap lang kami at wala sa hinagap ko ang sumali sa mga ganoon. I just want to provide for my sister. I just want to have a simple normal life.

The way I wasMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon