13. Billboard

72.1K 2.6K 203
                                        

Three years later...

"Hyan, somehow, you have to come home."

My sister just laughed at my face. It was obvious that she doesn't have any plans of going back to the Philippines. Gustong – gusto niya ang buhay niya dito sa New York. Nagtayo na siya ng sarili niyang kompanya dito. It's booming and Hyan's enjoying everything her life has to offer now. She's free and happy and she has a son named Achelous Hector – the two year old boy that's also the source of Hyan's happiness and mine too.

"What am I going to do in the Philippines, Hyron? Masaya na ako dito. This is Louis' home and he's happy here. Hindi na namin kailangan bumalik pa sa Pilipinas. You can always visit me, si Mama at si Daddy din ay pwedeng pumunta dito para makita si Louis. Hindi naman ako nagdadamot, iyon nga lang mas magandang dito na lang kami, after all that happened to us, kailangan sigurong dito na lang kami."

I sighed again. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na bumalik na lang siya dahil wala naman nang dapat katakutan. Hindi naman sila magkamag- anak ni Abelardo. Hindi naman sila magtyuhin pero sa tuwing sasabihin ko ay binabara ako ni Hyan. Ayaw daw niyang madinig but I have to take my chance now.

"Hyan, you have to know that ---"

"Oh, there's Hunter!" Tumayo siya. Nasa sala kami ng Upper East Side apartment niya. I closed my eyes to control my anger. Ganoon naman na kasi ngayon. I have to keep my anger to myself. I have to be cool. Wala naman nang dahilan para magalit ako – rather – wala pa ang dahilan para magalit ako.

"Hey, twins!" Bati ni Hunter. Hinalikan niya si Hyan sa pisngi tapos ay tinapik naman niya ang balikat ko. Umupo siya sa tabi ni Hyan at ipinatong ang paa sa coffee table.

"Stop that! Gagayahin ka na naman ni Louis!" Sigaw ni Hyan. I cleared my throat.


"Hyan, listen..."

"Hyron, stop. I don't want to know, okay? Kakalimutan ko na okay? Ayoko na nang magulong buhay." Matapos iyon ay tumayo siya para kuhanin na si Louis, Naiwan kami ni Hunter sa sala. Sabay kaming napabuntong-hininga.

"Ang tigas ng ulo ng ate mo."

"Aba, malay ko sa'yo, kakambal mo iyan!" Napailing na lang kami pareho. Magkasundo na kami ni Hunter sa ngayon. He apologized for what he'd said to me after I apologize to him for what I did to the family.

I'm living the life I should've lived before I made everyone believe that I died on that incident. Hindi ko maialis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Haley noong nag-usap kami nang gabing iyon – I owe my family so much at hindi ako titigil hangga't hindi ko nababayaran ang mga utang na iyon.

One thing that I do to pay my family was being there for Hyan every time she needs me. I become the son my father always wanted. Ako na ang namamahala sa Demitri Arms – Greece man o Pilipinas ay hawak ka na ngayon. I'm the head of the Demitri Family and being that I have so many responsibilities. Si Hyan, ang iba kong mga kapatid, ang mga magulang ko lalo na ang pamangkin ko and I have no time to be angry anymore.

"Bukas ba ang flight mo pauwi?" Tanong naman ni Hyan nang makabalik siya. Karga niya si Louis na kumakawag nang makita ako. Nakangiting kinuha ko siya at saka hinalikan sa noo.

"Daddy! Daddy! Let's play!"

"No! You have to rest, Louis. Hindi ka na naman makakahinga. I have to take him to the doctor tomorrow. Hindi kita maiihahatid."

Tinanguan ko na lang si Hyan at nagpatuloy sa pakiipagkulitan sa pamangkin ko. I treat him as my own. Naniniwala ako na kung anuman ang kalahati ng kay Hyan ay kalahati ko rin. We share everything, we're twins and our bond is forever.

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon