"Why?!"
Hinaplos ko ang likod ni Hyan habang kaharap naming dalawa si Hunter na mukhang hanggang ngayon ay may hang over pa rin. He was so drunk --- iyon ang sabi sa akin noong waiter na nakausap ko kanina. Ayon sa kanila ay nahanap nila si Hunter sa loob ng restobar na iyon habang walang malay. Ang suspetsa niya ay nanakawan ng wallet ang kapatid ko kaya wala siyang ID -- maski na ang susi ng kotse niya ay wala. Mabuti na lang at nang magpunta siya sa bar na iyon ay hindi niya dala ang sasakyan niya kung hindi ay nanakaw na rin iyon.
"You were gone all night! Tumaas ang presyon ni Mama dahil sa'yo! Pasalamat ka at nasa Cebu is Daddy kung hindi ay lagot kang talaga! Anong problema mo, Hunter Ray?!"
"Hyan, tama na, baka makunan ka." Bulong ko sa kanya. Nakita kong ngumisi si Hunter.
"Pumapel ka na naman, Hyron." He mocked me. "Sa tingin mo ba ganoon kadali? Sana hindi ka na lang bumalik. Wala ka naman mapapala dito. Hindi ba at ayaw mo sa amin? Hindi ba ayaw mong maging anak ni Daddy? Hindi ka naman namin kailangan. Andyan si Ate, siya ang hahawak sa kompanya, ako pagkataposmko ng MBA ako pa mismo ang magsasabi kay Daddy na ako ang gawin ng next in line dahil ako gusto kong mamahala ng kompanya. Hindi ko tatakasan ang pamilya ko, hindi tulad ng ginawa mo. Napakawalang - kwenta mo!" Sigaw ni Hunter sa akin. Tumaas ang sulok ng bibig ko, I acted on instinct, sinuntok ko siya, tinamaan naman siya sa gilid ng pisngi niya. Napasigaw si Hyan. Wala na akong pakialam.
Alam ko na tama ang lahat ng sinabi niya pero wala siyang karapatan dahil mas matanda ako sa kanya. Alam kong mali ako. Alam kong hindi tama ang mga ginawa ko pero heto si Hunter at hinuhusgahan ako.
Ang problema kasi sa mga tao, hindi pa alam ang istorya at ang nakaraan ay nanghuhusga na. Hindi naman ako binigyan ni Hunter ng pagkakataon para ipaliwanag ang sarili ko. Kung siya ang nasa katayuan ko noon, hahangarin niya rin ang kalayaang gusto ko. Mali ang paraan ng pagkuha ko nito pero nagsisisi na rin naman ako.
Narito na ako. Umuwi na ako. Nagsisisi na ako at handa na akong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Bumalik ako para kay Mama at Hyan at kay Daddy. May parte na dahil gusto kong patunayan kay Lualhati na narito na ako at sinunod ko na siya pero aanhin ko pa ang kaisipang iyon kung hindi ko naman na siya nakikita at nakakasama? Natanggap ko na na hindi na sa akin si Lualhati. Siguro tama si Aunt Hera, kailangan ko nang kalimutan ang buhay na mayroon ako noon sa isla para nandito na lang ang focus ko.
"Nagagalit ka sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo?!" Tinulak ako ni Hunter. "Gumising ka Hyron! Hindi ka naman tanggap dito! Wala kang lugar! Hindi ka namin kailangan!" Sinuntok din ako ni Hunter. Si Hyan naman ay hindi na naampat sa pagsigaw. Nagpambuno kaming magkapatid. Galit siya sa akin pwes ipapakita ko kung sino sa aming dalawa ang mas maawtoridad. Hindi ako papatalo.
"Tama na iyan!"
Pumailanlang ang boses ni Helios Demitri. Nanigas ang likuran ko. Naka-hang ang suntok na papakawalan ko sana para kay Hunter. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ko na lang naramdaman ang suntok niya sa akin. Napaupo ako.
"Hyron Yvan! Hunter Ray, in my office now!"
"But Dad!" Reklamo pa ng kapatid ko
"Now!"
Hunter marched inside. Ako naman ay tumayo na rin. Dadaluhan ko sana si Hyan pero naunahan na ako ni Daddy. Inalalayan niya si Hyan papasok sa loob, nakasunod naman ako. Iniisip ko kung kakausapin ako ni Daddy sa loob, hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin, kung ano bang sasabiuin niya o kung titingnan niya na ba ako sa mga mata sa ngayon.
I went to the office. Naroon si Hunter na nakaupo sa isang silya. He was staring at me.
"You got us in trouble." Sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The way I was
Ficção GeralWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017