"How did it go?"
Iyon ang unang itinanong ko kay Hyron pagsakay namin ng sasakyan matapos naming harapin ang mga magulang niya. He smiled at me. Ako ay kabang-kaba pero hindi ko lang pinahahalata dahil ayokong maisip niya na natatakot ako sa mga magulang niya. I'm tired of rejection sa totoo lang. Pagdating kasi kay Hyron para bang napakahirap bumagay. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang buhay na mayroon siya at ang kaisipan ng mga tao sa paligid niya.
"It was better than what I have expected."
"Bakit? Ano bang ine-expect mo? Na sasabunutan ako ng Mama mo o pagtutulakan ako palabas ng mansion ninyo?"
"I wasn't expecting any of those, Pangga." Natawa si Hyron. "I was just expecting that well..." He sighed. "Fine, I was expecting a bit of that pero binibigyan ko ng benefit of the doubt si Mama. She's a good person inside and outside. Siya lang sa magkakapatid ang kakaiba ang ugali. Never ko siyang nakitang nagalit sa kahit na kanino – maliban na lang kay Uncle Yto. Why are you smiling like that?"
"Ang daldal mo."
Nawala ang ngiti niya tapos ay napalitan ng tawa. Ngayon ko lang nakikita itong side na ito ni Hyron. Bilang si Dante noon, hindi siya palasalita. Panay ako lang ang taya sa kwentuhan, nakatingin lang siya sa akin tapos ngingiti. Naisip ko na baka kaya siya ganoon kasi marami siyang tinatago at hindi niya masabi iyon sa akin o sa kahit na kanino. But now that he's free, he's very talkative and he seemed to like talking aboutn his family so much.
Kinuha niya ang kamay ko at hinagkan ang bawat sulok niyon.
"May lahi kaming kambal and I really want to have twins so after the wedding, we won't stop trying till we have twins or triplets. And you're blushing. Sa tingin mo ba pakakawalan pa kita?"
"Loving me means danger for you..." Well that's true. Hindi naman kasi basta titigil si Eos Demitri isa pa, pakiramdam ko napakahirap ng sitwasyon naming dalawa.
Naalala ko iyong tingin ng Mama niya sa akin. She was smirking kahit na nakangiti siya kanina habang kausap ako. Ang Daddy naman niya ay parang hindi alam kung paano ako pakikitunguhan. Si Hunter bago kami umalis ay hindi iisang beses na nagpahaging sa akin at pabulong na tinatawag akong desperate slut. Si Haley lang yata ang walang kakaibang reaksyon.
"Ang tagal na natin, Hati, isang dekada na tayo sa tingin mo my pakialam ako kay Eos Demitri? Magagawan ko rin siya ng paraan. You just have to wait for it."
Ngiti lang ang isinagot ko. Nakarating kami sa unit niya. Nagdala na ako ng ilang gamit ko dahil alam ko naman na hindi niya rin ako pauuwiin. Pagdating sa bahay niya ay noon lang kami kumain. We ate the food he cookes. Sinigang na Bikaw. Made me miss Isla Verde more. Hindi ko na nga nagawang bumalik roon. Mula nang mamatay si Tatay ay hindi na ako nakatapak roon. I made a mental note to ask Hyron to go there one of these days.
Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Si Hyron ay nagpaalam na may gagawin lang daw na trabaho tapos nanghingi siya ng kape. He likes coffee, with his cigarette. Hindi ako pabor but I remember that it's his way for distressing.
Nang handa na ang kape niya ay pinuntahan ko siya sa private office niya. Natagpuan ko siyang may kausap sa phone. Inilapag ko sa mesa niya ang kape tapos ay tumalikod na para lumabas ng office niya. Inayos ko naman ang sarili ko. Naligo ako at nagpalit ng damit. Paglabas ko ng bathroom ay naroon si Hyron sa kama na tila hinihintay ako.
Tinapik niya ang binti niya kaya doon ako naupo.
Napakunit ang ilong ko.
"Amoy yosi ka naman eh." Umismid ako.
BINABASA MO ANG
The way I was
Fiction généraleWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 19 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017
