12. Explosives

73.2K 2.4K 318
                                    

I made sure that I was with Lualhati the whole time she was grieving. Kailangan niya ako ngayon at hindi ko siya iiwan nang basta. Babawi ako sa kanya tulad ng pagbawi ko sa pamilya ko. Alam kong kailangan niya ako kaya hinding-hindi ko siya iiwan. Alam naman siguro ni Dad ang kalagayan ko. Siguro naman ay maiintindihan niya ako.

That morning, I was with her at her old boarding house. Kinukuha na niya ang mga gamit niya. Sa akin na siya uuwi – silang dalawa ni Lila. Hindi naman kami magsasama sa iisang bahay. Patitirahin ko lang sila sa bahay na binili ko para sa kanya.

"Is this all your stuff?" Tanong ko habang hawak niya ang isang maliit na travel bag. Tumango naman siya. Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan dahil sa nangyari sa kanyang ama. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko siguro tinanggal sa trabaho si Mang Jaime ay hindi siya luluwas para maghanap ng trabaho. That's why I'm doing everything for her now. Gust kong makabawi sa kanya.

"Oo. Hyron, maraming salamat." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. Nailibing na ang tatay ni Lualhati. Siniguro kong maayos ang lahat. I sighed. Nagpaalam na siya sa mga nakasama niya. Sumakay naman kami sa kotse ko kung saan naghihintay si Lila.

"Kuya Dante, maraming salamat ha."

"Maliit na bagay lang ito, Lila." Wika ko habang nakangiti. Napansin kong tahimik si Lualhati habang nasa byahe kami. Nang dumating kami sa bahay na iyon ay natuwa talaga ang kapatid niya

Bungalow house lang iyon na may katamtamang laki lamang. Para lang talaga sa kanilang dalawang magkapatid. Tuwang – tuwa si Lila habang paikot – ikot siya sa bahay. I was smiling too. Noon ko binalingan si Hati na napansin kong nakatitig lang sa akin. Kumunot ang noo ko. Hinarap ko siya.

"Bakit? Is there something wrong?"

Nagulat ako nang yumakap siya sa akin nang mahigpit. Nasamyo ko ang bango ni Lualhati. Naisip ko na iyon ang pinakahinahahanap ko sa kanya. She smells like home.

"Salamat, Hyron. Mababayaran ko rin ang lahat ng ito." Bulong niya sa akin. Tinaas ko ang mga kamay ko upang ilapat sa baywang niya.

"You don't have to pay me. I'm doing this because I love you and I'm making up for everything I've done. Hindi mo kailangan magbigay ng kapalit sa akin. Pagmamahal mo lang, Hati, sapat na." Lalong humigpit ang hawak niya.

We stayed like that for a while and then she pulled away and looked at me. Nakangiti na siya sa pagkakataong iyon.

"Lika na, mag-ayos na tayo ng gamit ninyo." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming pumasok sa loob. Maghapon ay inayos namin ang bahay na titirhan nila. Si Lila ang naglilinis sa sala habang si Hati naman sa mga silid tapos ako ang nagpapasok ng mga kagamitan.

"Ang init." Anas ko habang dala ang sofa papasok sa sala. Inilapag ko lang iyon doon tapos ay hinubad ko ang polo ko.

"Ay kabayo sa lawa!"

Lumingon ako at nakita si Lila na nakatayo pala sa likuran ko. Nabitiwan niya iyong hawak niyang walis.

"Ate! Ready ka na daw ba?!" Sigaw niya sabay takbo papasok sa silid at tinulak si Hati palabas.

"Sira ulo ka talaga! Umayos ka nga!" Sigaw naman niya kay Lila saka binalingan ko. Napailing siya. Ngumisi naman ako.

"H'wag kang hubad nang hubad. Nakakhiya ka."

"Bakit, Pangga, naaakit ka ba?"

Nagulat na naman ako nang bigla niya akong pingutin sa tainga.

Napakalibog mo talaga, Dante!" Natawa siya ngunit natiglan rin. "Sorry, Hyron pala." She sighed. Tumalikod si Lualhati pero inabot ko ang kamay niya at ikinulong siya sa mga bisig ko. I just want to hold her like this. Ngayon ko lang naramdaman iyong magaan sa puso ko mula nang umuwi ako galing sa isla. Ang sabi ni Hera ay dapat kong kalimutan ang naging buhay ko roon ngunit paao ko iyong gagawin kung mismong ang babaeng ito ang buhay at kamatayan ko.

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon