Was I weak that moment when I saw her? Was I? I couldn't know. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon. Ang alam ko, masaya ako dahil nakita ko siya pero kasama din doon ang pait, galit at sakit. Galit ako kay Lualhati dahil umalis siya noon. Ang akalako ay maayos na kaming dalawa. Sumama na nga siya sa akin. Hindi ko lang siya napuntahan noon dahil sa mga nangyari sa buhay ko. My sister needed me. Hindi niya ba naiintindihan iyon? I got shot after that. Mas nagtagal ako sa ospital dahil nagkaroon ako ng infection sa dugo. I was in the hospital for two weeks and when I got out, the first thing I did was to go to her but to my surprise, wala nang tao sa bahay kung saan ko siya iniwan.
And now this.
"Hyron, you should really stop overthinking things." Nagulat ako nang magsalita si Junko. Katatapos lang ng board meeting namin noon. We're about to have lunch now. She was powdering her nose while talking to me. Buong meeting ay wala ako sa sarili. Iniisip ko ang mga mata ni Lualhati at kung paano niya ako tingnan. It's really something. Wala na ba ang Lualhati na nakilala ko noon?
The billboard means a thousand things, pero wala na nga ba siya?
"What is this about?" She asked me again. Inayos ko ang neck tie ko. Tumayo ako at kasabay naman noon ang pagbukasng pinto ng conference room. Pumasok mula doon si Hunter. Nakangisi siya.
"Hey, Big brother! I was just on the area. Naisip naming ni Heath na dumalaw."
Lumakas siya papunta sa akin para yumakap. Si Heath ay ganoon din.
"Hey future sis-in-law!" Binati naman niya si Junko. Junko stared at him. Walang reaksyon ang mukha nito. Just like Lualhati yesterday.
"Oh, hey Hunter." Tumayo na rin si Junko. "Let's go, Hyron. Or maybe your brothers want to have lunch with us."
"No, we'll pass. Date ninyo iyan. Pero, maaga ka daw umuwi sabi ni Ma, isama mo na rn si Junko." Wika pa ni Hunter sabay paalam na. Hindi ako makakauwi mamaya dahil ngayong gabi ang auction fashion show ni Pan Vejar at may nagsabi sa akin na naroon daw si Lualhati. Hindi ko nga alam kung bakit balik ako nang balik sa kanya o kung bakit gusto ko siyang makita, hindi naman na kami tulad ng dati.
There's a big wall in between us and I don't know if that can be set aside. Masyado akong maraming issues sa kaya. She seemed like she doesn't even care.
"Jun, sumama ka sa akin mamaya sa Auction Fashion ni Pan."
"Why?" She asked. "To see you look and drool over your ex-girlfriend? No, thanks."
"I need a fall guy if my plan doesn't work." Inis na ako. Tumawa naman si Junko.
"Remind me again why you want us to bet married?" She giggled.
"To complicate things."
"But the things in your life are already complicated, Hyron. Kulang pa?"
"Hangga't hindi ko pa siya kasama, kulang pa rin ang lahat."
Junko shook her head. Hindi na ako nagsalita pagkatapos noon. Kahit na noong nasa restaurant na kaming dalawa ay si Junko lang ang nagkukwento sa akin. She was telling me about her travels and about that moment she went to the ossuary to visit her son. How she cried. I was just staring at her.
"Why don't you tell Hunter about it?"
"What for? It's too late. Anyway, kung sasama ako sa'yo mamaya, I'll be wearing a tiffany teal dress. May lace iyon, so I guess black suit, no tie, huh! Ayoko ng naka-tie ka, parang ang strict mo. Ang sungit mo na nga, magta-tie ka pa."

BINABASA MO ANG
The way I was
Fiksi UmumWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017