Epilogue: Spiel

75.8K 3K 499
                                    

"He didn't do it!"

Wala akong ginawa kundi ang umiiyak at sumigaw habang tinitingnan ko si Hyron sa loob ng kulungan sa loob ng isang presinto. He was being held because of that false accusation about him. Alam kong hindi niya iyon ginawa. Sa tagal kong kasama si Hyron, alam ko ang kapasidad niya. Alam kong hindi niya kayang manakit.

Ako ang nauna sa lahat ng pamilya niya na makarating sa presinto na iyon. I was there but I couldn't do anything. Kinuhanan na siya ng mug shot at ng mga finger print at kung ano-ano pa. Tinanggihan niya ang abogado – ayon sa pulis na umaalo sa akin dahol kaya niyang kumuha ng sarili niya. Hindi naman nagtagal ay dumating si Hyan – ang kakambal niya pati na rin ang kanilang Tatay, si Mr. Helios Demitri. Ang pinakamagandang pangyayari ay may kasama na siyang abogado.

I was crying so hard. Nakaupo ako sa isang tabi. Hyan and Helios Demitri were talking to some people. Napansin kong tumingin sa akin si Hyan Demitri. Lumapit siya sa akin at itinayo ako.

"Mag-usap tayo." Her voice was stern and cold. Lumabas kami ng precinct at saka niya ako hinarap. "Wipe your tears. This is all your fault."

"What?" I asked her.

"H'wag kang gumamit ng wikang hindi mo kayang panindigan, Lualhati. Saan ka lang ba pinulot ni Hyron? Saan ka lang din ba nakilala ni Hunter? Nang hindi mo makuha ang mga kapatid ko, tumakbo ka kay Eos Demitri and now this?! Hindi mo ba titigilan si Hyron, Lualhati? You are not good enough for him! At kahit na anong gawin mo sa sarili mo, no matter how expensive your dress, your perfume at kahit saan ka makarating, amoy malansang isda ka pa rin. How much do you need to finally leave my family alone?"

I was dumbfounded. Kung noon nangyari ito ay iiyak at aalis na lamang ako but it's different now. Buong lakas ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi. Oo, umiiyak ako. Oo, nasasaktan ako pero hindi na ako paaapi. Hindi na ako magpapatapak sa kanila dahil alam ko kung nasaan ako.

"You, Bitch!" Akmang sasampalin ako ni Hyan nang masalag ko ang kamay niya. Nanginginig ang buong katawan ko.

"Oo. Amoy isda ako. Pero tulad nang sinabi mo, amoy isda ako. Kung hindi moa lam, Hyan Demitri, nakilala ko si Hyron noong siya pa lang si Dante Mercado. I fell in love with him without knowing who he is or what he is. Wala akong pakialam kung ano siya o kung sino siya o kung saang pamilya siya galing. Minahal ko siya bilang siya at hindi dahil sa kung anong meron siya. Hindi mo matutumbasan ng kahit magkano ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya."

"Lecheng pagmamahal iyan?! Tingnan mo kung nasaan ngayon ang kapatid ko?!"

"Hindi ko kasalanan iyan! I wanna be with him! I wanna fight for him and this will get us nowhere, Miss Demitri. H'wag mo na akong pagsasalitaan ng kahit na ano dahil wala kang karapatan!"

I walked away. Kahit na gusto kong pumasok sa loob ng presinto para damayan ang lalaking mahal ko ay hindi ko ginawa. Sumakay ako sa taxi at umuwi sa sa hotel na tinutuluyan ko.

Palakad – lakad ako. Nag-iisip ng gagawin. Alam ko at sigurado ako na si Eos Demitri ang gumawa nito. He wanted revenge and this is his way of getting it.

Pumasok ako sa silid ko at binuksan ang bedside drawer. Sa loob niyon ay kinuha ko ang isang itim na purse. I opened it and checked if my gun was still inside. Yes, I have a gun. Si Eos Demitri mismo ang nagturo sa akin na gumamit ng baril. Siya ang nagbigay sa akin nito – for protection and I will fucking use this to him – for Hyron's protection.

Muli akong umalis nang hotel. I hired a cab and instructed him to take me to a certain address. May alas ako, isang bagay na ikahihina ni Eos Demitri. Isang bagay na magpapalaya kay Hyron. Salamat sa trffic sa Pilipinas at nakarating ako after two hours. Sinabi ko sa taxi na hintayin ako dahil saglit lang naman ako. Pagbaba ko ng taxi ay naghintay ako sa gilid ng hotel na iyon at habang tumatagal ang paghihintay ko ay lalo akong nahihirapan dahil sa kakaisip sa sitwasyon ni Hyron ngayon.

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon