Ate, natanggal si Tatay sa trabaho. Ibinabalik naman siya ni Andres pero ayaw na ni Tatay. Sumama ang loob kay Dante. Siya kasi ang nag-utos. Iyon ang sabi ni Andres.
Malakas ang naging pagsinghap ko nang mabasa ko ang text sa akin ni Lila. Ilang araw na ang nakalipas mula nang magsara ang restobar na pinagtatrabahuhan ko kasama na rin ang apartment na tinitirhan namin. Sa ngayon ay nakikitira ako sa pamilya ni Kimberly kasi wala naman akong kilala sa siyudad.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong maipapadalang pera para kina tatay dahil hindi na kami nagawang bayaran ni Madame Tricis dahil sa pagkalugi ng negosyo niya. Halos wala rin siyang gamit na naiuwi dahil nga kinuha lahat iyon ng bangko. Hindi ko ngayon alam kung saan kamay ako ng Diyos kukuha ng pera para naman maibigay sa kanila nang hindi na ako mag-alala pansamantala.
Sa kabila nito ay nakakaramdam talaga ako ng galit para kay Dante. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang mahalin siya, ibinigay ko sa kanya ang lahat ng kaya ko pero sa huli, galit pa rin ba ang paiiralin niya? Gumaganti ba siya sa akin dahil sa ayaw ko siyang tingnan at tanggapin? Hindi niya ba talaga ako kayang intindihin?
Noong nakaraan ay sinundo ako ng kapatid niyang si Hunter para ipakilalang nobya nito sa kanyang pamilya. Halata naman na ayaw nila sa akin. Hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong iyon.
Ang tagal na panahon na ginutom ko ang sarili ko sa impormasyon tungkol kay Dante Mercado – Hyron Demitri pala sa ngayon. Ipinaliwanag sa akin ni Hunter Demitri na may amnesia daw si Hyron pero dahil sa ginawa niya kay Tatay ay nahihirapan akong maniwala sa kanya.
"Oh, bakit sambakol ang mukha mo?" Nagulat ako nang pumasok si Kimberly sa silid naming dalawa. Huminga ako nang napakalalim at sinabi sa kanya ang problema ko.
"Ayon nga, luluwas si Tatay, hindi ko naman pwedeng sabihin na nandito lang ako, magdaramdam iyon. Hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ako nakaalis."
"Sabihin mo na, Hati. Kaysa naman patagalin mo. Alam mo naman na kapag ang kasinungalingan pinatagal, mas nakakasakit."
Napatitig lang ako sa kanya. Naalala ko ang ginawa ni Hyron sa akin. Tatlong taon ng buhay ko ang ninakaw niya sa akin. Itinago niya ang totoo. Wasn't I trustworthy enough for him to tell me the truth?
"Kailangan ko ng trabaho."
"Madali lang iyan. May pupuntahan akong club ngayon, gusto mong sumama sa akin?" Tanong niya. Tiningnan ko si Kimberly. Nagbibihis na siya ngayon. Anong club kaya ang sinasabi niya? Naisip ko naman nang mag-apply sa mga private hospitals pero hanggang ngayon ay walang tawag sa akin. Wala pa kasi akong experience maliban sa naging OJT ko noon. I tried applying sa mga call centers pero kahit ang mga iyon ay hindi ako tinatawagan.
Ang problema kasi, maraming kailangan ng trabaho pero kaunti naman ang trabahong available. Kaya ang iba, hindi talaga napa-practice ang tinapos na kurso.
"S-sige pero ayoko ng monkey business."
"Alright! Halika at lalagyan kita ng make-up!" Nakatawang wika niya. Hinayaan ko siyang ayusan ako at nang matapos kami ay nag-taxi na lang kami papunta doon. Hindi naman kami nagtagal at nakarating na rin kami sa club.
Malaki ang club. Pagpasok namin ay napansin ko agad ang mga parokyano nila. May mga babaeng naka-maskara sa stage na sumasayaw at gumigiling na halos kita na ang mga kaluluwa nila.
"Receptionist ang apply-an mo, Hati. Ako pwede naman ako kahit saan. Pwede nga akong maging stripper. Dati naman iyon na ang trabaho ko bago ko makilala si Madame Tricia."

BINABASA MO ANG
The way I was
General FictionWhat will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2017