PROLOGUETulad ng sabi ng karamihan walang forever dito sa mundo at bakit ka nga ba aasa na makararanas ka ng Forever dito sa temporaryong lugar na ating kinagagalawan?
"Can You Be My Lifetime Partner?" Ganyan ang tanong sa akin ng lalaking mahal ko matapos akong ligawan at maging girlfriend.
Niyayakap ako ng malamig na hangin ngunit sinasabayan ako ng mainit na ningning ng mga bituin. Ang buwan ay masayang nakatunghay sa amin. Sa payapang hardin na ito sinagot ko ang tanong ng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.
Ilang buwan namin pinaghandaan ang magiging kasalan at nang dumating ang araw ng pag-iisang dibdib namin ay walang humpay ang aking pananabik na masilayan ang lalaking aking minamahal.
Ngunit...
Ngunit sa araw na iyon bago ang nakakapanabik na kaganapan ay nagbago ang lahat nang dahil sa isang trahedya.
Ang lalaking aking minamahal na nais kong makasama hanggang sa pagtanda, ang lalaking nais kong masilayan sa aking tabi pagputok ng araw, ang lalaking ilulutuan ko ng almusal tanghalian maging hapunan, ang lalaking hindi mauumay sa pagsabi ko na 'Mahal na Mahal Kita', ang lalaking minahal ko, minamahal at mamahalin pa ay hanggang ngayon ay tila lantang gulay na natutulog, walang kamalay malay at walang kasiguraduhan kung magigising pa.
Miss na miss ko na siya. Ang kanyang boses, tawa, yakap, halik at lahat lahat ng tungkol sakanya.
Hanggang ngayon ay umaasa ako, umaasa na paninindigan niya ang huling katanungang inilaan niya.
I will be your Lifetime Partner babe. I will wait for you and always be. That tragedy was just a challenge in our relationship. I won't give up. I do not want to lose you and never I wanted being separated from you. I'll be here by your side in the morning,lunch time and also in evening. Everytime babe. I will always love you for I am still hoping that you will be my Lifetime Partner...
NO MATTER WHAT HAPPEN.
Ito ang aking kwento kung paano ako natutong umibig, magmahal at ipaglaban ang minamahal. Hinding hindi ako magsisisi na minahal ko siya dahil kahit ang sakit sakit na tanggapin ang bawat kaganapang nangyayari sa buhay ko ngayon. Iyong bang gigising ka ng umaga at aasa na sana ay gising na siya.Iyong gusto mong sumagot siya sa bawat kwento mo. Iyong tatawa siya kahit sa corny na joke mo, ,iyong magseselos siya kasi gusto niya siya lang ang lalaking titingnan mo. Iyong yayakapin ka niya at sasabihing mahal na mahal ka niya ngunit sa kabila ng lahat mananatili akong matatag dahil...
Mahal ko siya. Mahal na Mahal.
A/N
Ano say niyo? Itutuloy ko pa ba?
Read at your own risk!Ahhm pakisuportahan na lang. Salamat ng hard kababayan.
Sisiguraduhin kong tatapusin ko ang kwentong ito para sa'yo.
Lovelots
-Miaka_Pein
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
Short StoryAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...