What is Love?Love is like a pimple. You do not even want to have it but you can do nothing to resist it.
AJ'S POV
"Ahem ahem!" Sabi ni Kirby habang nasa stage.
Nakatitig lang ako sakanya. Maya maya ay lumabas mula sa backstage ang Atomic Band na ang leader ay ang dati kong crush na si Kyle. Sikat ang bandang iyan at nagrerecord na rin sa Little Star Magic. Si Kirby lamang ang kakanta. Nagsimula na tipain ang piano at tugtugin ang gitara at nagsimulang umawit ang lalaking mahal na mahal ko.
"Alexa babe, I Love You!"sabi ni Kirby at naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at tuluyan nang umawit ang mahal ko.
Now Playing *Terrified*
A/N: Listen to that song para mas dama ang pagkanta ni Kirby bhe ;)
You by the Light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You' re the thing thats rightHabang inaawit ni Kirby ang kantang iyan ay may malaking screen sa stage at nagflaflash doon ang mga litratong nagsasabi kung gaano kami kasaya at nagmamahalan.
Finally made it
Through the lonely
To the other side
You set it again
My hearts in motion
Every word feelis like a shooting
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the darkAnd i'm in love
And i'm terrified
For the first time in the last time in my only lifeAt nagsimula nang magflashback ang una naming pagkikilala ni Kirby Lopez.
Flaschback
4th year high school ako. Nagexcuse ako sandali kay Sir Bob Uy kasi naiihi na ako. Ayaw pa sana akong payagan dahil kasalukuyan daw kaming nageexam.
Nasa second floor ang room ko kaya kailangan kong kumaripas ng takbo papuntang first floor. At kung sinweswerte ka nga naman oh! Sarado ang ladies comfort room na katapat lang ng men's cr. Grabe hindi ko na talaga kaya. Hindi na mahold ni Urinary Bladder ang ihi na ito. Bakit ba kasi bago ang exam eh uminom ako ng dalawang yakult at isang chuckie. Nakakainis. Hindi ko na mapigilan. Ihing ihi na ho ako. Wala na akong magawa kundi pumasok sa panlalaking palikuran. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil si Kyle bebe ko eh kasalukuyang isinasara ang zipper. Nagulat siya sa pagpasok ko. Napatingin ako sa katabi niya at nabigla din siya-si Kirby . Napako ako sa kinatatayuan ko dahil nakikipagtitigan ako sa dalawang gwapo at tsaka ko lamang napagtanto na naiihi pala ako. Dahil nga wala ako sa huwisyo at ninanamnam ko ang titig ng dalawang gwapo ay bigla kong naramdamang nabasa ang binti ko at may tumulo. Ihi ko na pala. Sa oras na iyon akala ko magkakasink hole sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan na natamo ko.
"Miss? You just-just pee-"nabubulol na sabi ni Kyle
Tiningnan ko si Kirby at nakanganga siyang nakatitig sa akin. Pagbilang ng tatlo ay nahimatay ako. Paggising ko nasa bahay na ako at hinatid daw ako ni Kirby . Iyong exam ko naman na napurnada ay itutuloy ko kinabukasan.
Mapanghe man ang una naming pagkikita kibers lang kasi doon na nagsimula ang love story namin.
Kirby 'S POV
Habang kumakanta ako rito sa stage gusto ko ng tumakbo papalapit kay Alexa at punasan ang mga luha niya. Hindi naman talaga ito ang dapat na una kong kakantahin. Pinilit lang ako nila Kyle. It Might Be You dapat ang una eh.
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
القصة القصيرةAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...