Chapter 11: It's hard

31 6 1
                                    

Chapter 11: Its hard

What is Love?
Love is not just about waiting. Patience and trust are the secret potion for you'll still be in love no matter what it takes.

AJ's POV

Lumipas pa ang dalawang taon at sobrang daming pagbabago ang nangyari sa buhay ko. Sobrang haba na ng buhok ko. Nasa bandang pwetan pero hindi ko ito ipapagupit dahil gusto ni Kirby na mahaba ang buhok ko.

Nagpatuloy lamang ako sa pagluluto sa pinagtratrabahuan ko. Sabi nila mas masarap ang luto kapag nagluluto ka ng may pagmamahal dahil iyon daw ang secret ingredient. Ngunit napakaraming costumer ang nagreklamo dahil sa sama ng lasa ng inihahain ko. Alam ni Manager Yu ang kalagayan ko kaya ang sabi niya ay magleave na muna ako dahil hindi ko rin magawang mag-concentrate.

Halos lahat ng kaibigan ko pati pamilya ko ay pinakikiusapan akong bumalik na sa dating ako. Ngunit tila ba hindi ko kaya. Hindi ko magawang ngumiti at tumawa kung alam kong hindi maganda ang sitwasyon ng Kirby ko na kasalukauyang nagpapagaling sa malayo lugar.

Ayaw kong magkulong sa kwarto. Gusto kong i-divert ang braincells ko sa ibang bagay. Sinubukan kong mag-apply sa isang sikat na Company dito sa Pilipinas. Katatayo lang siya last year. Bale branch lang siya rito sa Pilipinas dahil ang main branch ng company ay nasa America. Sikat na nagma-manufacture ng relo. Katulad ng business ng pamilya ni Kirby. Noong una inakala kong sakanila iyon pero mukha kasing imposible kasi abala sila sa pag-aasikaso kay Kirby sa California. Nag-eexport din sila sa ibang Asia at pati sa Europe. Walang kasiguraduhan kung matatanggap ako lalo pa't graduate ako sa course na HRM at ang ina-apply-an kong posisyon ay Secretary ng CEO. Nakapaskil kasi sa labas na hiring daw ng Secretary. Saktong nabobored ako kaya sige ipupush ko ang pag-aapply ko.

Paalis na ako ngayon ng bahay.

"Ingat ka nak!"sabi ni Mama. Nagpaalam na rin ako at umalis na. Nagtext din si Lena na kayang-kaya ko raw. Nagpropose na rin si Ced sa kanya last month. Mas mauunahan pa ata ako magpakasal ng babaitang 'yon.

Pagdating ko sa kumpanya napa-Wow na lang ako sa sobrang ganda. Mamahalin ang disenyo at magara ang tiles. Gold and Silver ang theme ng mga walls. Parang pwede kang magsalamin sa sobrang linis ng tiles.

Umakyat ako sa hagdan na may color caramel na carpet. Ayaw ko kasing mag-elevator dahil nahihilo ako. Kaya kahit sa third floor pa ang HR tiniis kong umakyat sa hagdan.

Pagkapunta ko sa tapat ng HR ay marami ring nakapila. Sobrang sexy ng halos lahat ng mga babae. Konti na lang maghe-hello na ang Bataan nila. Iyong iba naman parang may pwet na sa dibdin nila. Ganito ba ang kailangan kapag mag-aapply bilang secretary? Eh di sana nagtwo piece na lang ako. Leche! Sayang!

Umupo ako sa tabi ng isang chix. Parang panglabing lima ako sa lahat ng nakapila. Ako ang nasa huli. Nilabas ko ang SkyFlakes Condensada Flavor ko kasi ganito ang madalas kong makita sa patalastas sabi niya 'Ito ang break mo'. May Fita rin ako para mas bet.

Bored na bored na ako sa paghihintay. Halos lahat ng lumalabas sa opisina ay nagsisi-iyakan. Halatang hindi tears of joy. Siguro iiyak din ako mamaya. Narinig kong kinausap ng nasa kanan ko yung katabi niya sa kaliwa. Nasa dugo ko ang pagiging usisera kaya umusog ako ng kaunti para mas clear ang information.

"Grabe sana matanggap ako! Ang gwapo raw ng CEO eh!" Chix 1

"Every month daw napapalitan ang Secretary kasi sobrang strict ng CEO!" Chix 2

"My goodness! Kahit strict siya pero sobrang hot at gwapo naman! Kering keri na 'yon girl! One month is enough!"Chix 3

"Sana ako ang matanggap!"Chix 1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon