Chapter 4: The Preparation

70 19 18
                                    


What is Love?

Love is the countless time of attention.

AJ's POV

Dalawang buwan na ang lumipas matapos ang nakakakilig na proposal na iyon. Kasalukuyan akong nasa Starbucks kasama si Lena ang aking bestfriend.

Time Check 9:15 am

"Haaay grabe 'te. Tingnan mo itong singsing oh! Ang ganda talaga! Haaays to the tenth power"pahayag ko kay Lena at agad na namang kumunot ang noo niya.

"Walang hiya ka Enero! 27 times mo na yang sinasabi mula nang mapasok natin ang Starbucks na 'to! Move on! Oo na oo na! Ikaw na may lovelife ako na ang sawi! Tantanan mo ako at kabre-break lang namin nung 23 ni Cedrick!"sigaw sa akin ni Lena. Agad ko naman tinakpan ang bibig niya dahil pinagtinginan tuloy kami ng mga customer.

"Oo na k dot na! Ikaw naman kasi hindi mo man lang hinayaang magexplain si Cedrick sayo."pahayag ko sakanya.

"Explain?! Nung makita ko siya sa condo niya na may ginagawang kababuyan kasama ng higad na Shawi na 'yon na kapangalan ng aso ko is enough to satisfy his explanation!"naluluhang wika ni Lena. Obvious naman na mahal pa rin nila ang isa't isa eh. 'Yong time na lumuhod si Cedrick kay Lena sa gilid ng kalsada kahit may signal #2 na bagyo ay isa na 'yon na patunay. Kahit na itinutulak ni Lena si Ced palayo ay hindi pa rin sumuko ang Ced na yan.

Sabagay kung ako ang nasa sitwasyon ni Lena ngayon hindi ko rin alam ang gagawin ko. Sa relasyon meron at meron talagang problema at nasa kanila na 'yon kung hahayaan nilang ang isang away na 'yon ang maging dahilan upang mabura lahat ng masasayang alaala.

"Haay 'te bahala ka diyan. Ang sabi niya diba lasing nga siya kaya pakinggan mo muna siya bago ka magdesiyon ng isang bagay na pagsisisihan mo rin hanggang sa huli"pagkukumbinsi ko sakanya at natahimik naman siya.

Pagkatapos naming magkape ay naghiwalay na rin kami dahil may kanya-kanya kaming lakad. Mukhang nagising naman ang nag-gagagahang si Lena.

Pasakay na sana ako ng taxi ng marinig ko si Lena na sumisigaw mula sa likuran ko.

"January! Bestfriend!"agad kong sinenyasan ang taxi driver na hindi na ako sasakay at nilingon ko ang umiiyak kong bestfriend.

Niyakap niya ako at nagsimulang humagulgol. Bumalik kami sa Starbucks at chinika niya kung bakit siya biglang umiyak.

Nagpakamatay daw kasi si Cedrick.

Joke lang!

Aalis na raw siya papuntang Canada at mamayang 5pm ang alis niya. Sinabi ko naman kay Lena na kung ayaw niyang masayang ang tatlong taong pinagsamahan nila, pumunta siya sa airport at pigilan siyang umalis.

Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon niya. Nang tumahan na siya sa pag-iyak sumakay na siya ng kotse niya at tutunganga daw siya ng 5 hours sa bahay nila at magdedecide. Shunga much noh? Ahaha wala akong kotse kasi ayaw ni Kirby na magdrive ako mag-isa dahil baka raw maksidente ako pero alam ko naman mag-drive since may kotse ako noong college. Yaman noh? Kotse iyon ni Mama hinihiram hiram ko lang haha.

May usapan kami ngayon ni Kirby na magkikita kami sa Mall of Asia dahil may imemeet kami na fashion designer para sa aking bonggang wedding.

♡♡♡MALL♡♡♡

Naabutan ko si Kirby na nakaupo sa isang Coffee Shop. Agad siyang tumayo at niyakap ako nang mahagip niya ako ng kanyang paningin.

"You're late babe...but don't worry I can wait you eventhough it takes a year"bulong niya sa akin. Ako na ang kumalas sa yakap at sumagot sa sinabi niya.

The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon