Chapter 8: Please Not Yet

40 13 1
                                    

What is Love?

Love is when you are trying to hold back whatever cirmcumstances you will encouter so that the relationship go get stronger.

[A/N:

Guys patugtugin niyo yung Changes In My Life by Mark Sherman o kung wala yan sa Music library niyo yung Kundiman by Silent Sanctuary habang binabasa ang chapter na ito. Iyang dalawang kantang yan din pala ang theme song ng story na ito. Salamuch :*]

AJ'S POV

Minsan kailangan mo talagang tanggapin kung ano ang mga pangyayari sa inyong dalawang nagmamahalan. Lalo na kung hindi magandang pangyayari iyon. Masakit oo masakit talaga na sa sobrang sakit pwede mo ng laklakin ang anesthes-ansthe- anes- ano na nga ba ang spelling niyon? Nakakabobo talaga ang stress nakakainis! Sige scratch that. Na sa sobrang sakit pwede mo ng laklakin ang muriatic acid. Puputi ka pa!

Isang linggo na ang lumipas simula nang maaksidente si Kirby. Andito pa rin kami sa Palawan dahil isang buwan pa bago kami makauwi ng Manila. Kasalukuyan kong pinanonood si Kirby na mahimbing na natutulog. Naalala ko ang mga panahong pinapanood din niya ako habang natutulog. Sabi niya hindi raw siya magsasawang titigan ako at mamahalin niya ako tulog man o hindi. Hindi rin siya adik noh! Patay na patay sa akin ang gwapong ito kaya alam niyo na... sakit sa toes!

Napakamaaliwalas ng kwarto ni Kirby dito sa ospital at may kalakihan din dahil minsan dito rin natutulog sila Tita, Tito, mama at papa.  Kapag gabi na inilalatag ko na sa tabi ni Kirby ang folding bed. Yeah dito ako natutulog kasi nga maganda ako i mean mahal ko siya kaya hindi ko siya hahayaang matulog mag-isa rito. Baka may mga nurse na pagnasaan siya. Iyong baklang nurse nga rito eh pinaplastik niya ako para mas makapasok siya rito sa kwarto ni Kirby at masilayan ang kagwapuhang taglay ng soon to be asawa ko. Tsaka mamaya may-may mult- mul-nevermind!

Umuwi na sa Manila sila Cedrick, Andre, Kyle, Ashton, Clyde, at Taro dahil may kanya-kanya rin silang trabaho. Si Cedrick, Kyle at Kirby ay original ulmitate best friends at dumagdag lang yang tatlo haha. Samantalang si Lena ay nagpasa na ng 1-month Leave sa pinagtratrabahuan naming Hotel, sinasamahan niya muna ako rito sa Palawan. Kami pala ang head cook  at mataas talaga ang posisyon namin doon sa Hotel na yan. Si Kirby ay Vice Chairman ng kompanya nila ngunit si Keurt-kambal ni Kirby muna ang nagaasikaso roon. 23 years old pa lang kami ni Kirby pero successful na kaya nga naman pinayagan na kaming magpakasal...sana. Kasal na sana kami.

Habang nakaupo ako sa isang monoblock katabi rito sa kama ni Kirby ay may hawak akong fairy tale books. Sabi kasi nila kapag comatose ang pasyente eh kwentuhan daw siya kaya push ko this! Actually The Little Mermaid ang binabasa ko kanina kay Kirby. Baka kasi managinip siya na isa siyang sirena. Bukas Beauty and The Beast ang ikwekwento ko para naman kahit minsan maranasan niyang magmukhang beast hahahard.

Inilapag ko muna sa side table ang libro at hinawakan ang kamay ni Kirby. Kirby masarap ka sanang panooring matulog kung wala yang mga kung ano-anong apparatus na nakakabit sa katawan mo. Masakit tingnan na ang mahal mo ay lumalaban sa isang sitwasyong napakahirap harapin. Naikwento sa akin nila mama na muntik na raw bumigay si Kirby noong inooperahan siya pero sadya talagang lumalaban siya sabi ng doktor.

Kirby salamat. Salamat dahil lumalaban ka. Salamat ha! Di ko talaga alam kung makakayanan kong harapin ang bawat araw na wala ka.

'Kirby mahal na mahal kita. Pagaling ka na agad please. Namimiss na kita ng sobra. Ang pagtawa mo, ang boses mo gusto ko na marinig'

Naramdaman kong bumigat na naman ang pakiramdam ko. Naramdaman ko na lang na umiiyak ako ulit. Mugtong mugto na ata ang mga mata kong ito eh.

'Babe please dalian mong magpagaling.'

The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon