Chapter 6: Please Survive

53 15 11
                                    


A/N
Huwag kayong mag-alala hindi kayo iiyak sa Chapter na ito. Ang umiyak weak. Ang umiyak talo. XD nasa multimedia pala yung itsura ng gown ni AJ :)

What is Love? 

Love is when you are trying to survive even if it's seems so...impossible.

AJ's POV

Halos tumalon kaming lahat pababa ng van at patakbong pumasok ng ospital. Pinagtitinginan nga kami dahilan sa aming kasuotan. Walangya nakailang TV series na ba ang may ganitong eksena?

Tinuro sa amin kung saan ang emergency room kung saan inooperahan na si Kirby.

Ano ba kasing nangyari?

Nang matapat kami sa pinto ng emergency room ay nabalot na ng katahimkan. Tanging paghikbi at hagulgol ang naririnig.

Lalong lalo na ako!

Umupo kami sa bench katapat ng room. Parang namanhid ang buong katawan ko. Hindi pwede! Hindi pwede 'to! Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko at ilang beses ko na ring palihim na kinukurot ang braso ko dahil baka panaginip lang ito pero hindi eh...totoo ang lahat. Nasasaktan ako lalong lalo na ang puso ko.

'Anong nangyari Kirby? Bakit? Alam kong sa ating dalawa ikaw ang mas nahihirapan pero nahihirapan din naman akong tanggapin ang sitwasyon ngayon.'

Parang kanina lang aliw na aliw akong titigan ang sarili ko sa salamin dahil nasasabik akong makita mo ang ayos ko ngayon. Pangarap kasi natin ito eh. Ang tagal din natin itong pinaghandaan. Noong nakaraang gabi magkatabi tayong nag-uusap at tanging kasiyahan ang bumabalot. Ganito ba ang sinasabi nila na kapalit ng kasiyahan ay ang kalungkutan?

Kirby kaya mo yan! Please lumaban ka. Matutuloy ang kasal natin. Mahal na mahal kita Kirby kaya mo yan! Alam kong matapang ka!

Halos mabaliw ako dahil may mga ilang doctor at nurse na nagsisitakbuhan papunta sa kwarto kung nasaan ang Kirby ko. Nagmamadali sila at iyong iba ay sumisigaw ng "CPR!" Mas tumindi ang tension sa pwesto namin. Naramdaman kong may yumakap sa akin. Tiningnan ko kung sino ito.

'Salamat Lena'sabi ko sa isip ko dahil hindi ko magawang magsalita. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ay nasa peligro. Naramdaman ko na lang na nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.

'Please naman katawan ko makisama kayo!'

Naninikip na ang dibdib ko. Sana may lumabas na agad na doctor at sabihin sa amin maayos na ang Kirby ko.

'Kirby ngayon ang isa sa pinaka-espesyal sana na araw natin. I thought we will both say 'I do' in front of the people who witnessed our on-going love story. Kirby please...'

Gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas. Gusto kong bugbugin yung janitor na papalapit sa amin habang nagma-mop! Gusto kong mahimatay. Gusto kong magsulat ng kung anu-anong kajejehan ditto sa pader na sinasandalan namin tulad ng...

Wh4langhz thithibhag Ki3rby

Ikhaw lhanz zh4ph4+ n4h

Pushz kow phoewsz etu

(A/N tama ba mga jeje words ko? Haha sareh naman)

Kaso nanghihina talaga ako. Halos pigain ko na ang panyong pinampupunas ko sa mga luhang ito na ayaw huminto. Sana mamaya gigising na si Kirby tapos hihingi siya sa akin ng sorry kasi na Ms. Columbia ako, umasa ako na matutuloy yung kasal kanina. Sana paggising ni Kirby sasabihin niya sa akin na hindi naman malala ang kalagayan niya. Sana ayos siya. Sana.

Matapos ang halos isang oras na paghihintay ay sa wakas! May lumabas na doktor at halos maging kulay pula ang white gown niya. Biglang kumalabog ang mga organs ko

"Who is the nearest kin?"tanong ng doktor

Agad lumapit sila Tito Tommy at kinausap ang doctor.

Tahimik lang ang lahat at nakikinig sila sa kung anong mga impormasyong sinasabi ng doctor samantalang ako ay wala sa huwisyong nakatitig sa kawalan at diretsong tumutulo ang luha.

Ngunit parang may kung anong pumompyang sa teynga ko nang marinig ko ang doktor sa kanyang mga huling kataga.

"Sorry but the patient did not make it. Patay na siya. I felt sorry. Hindi niya na nakayanan."

Halos mabingi ako sa katahimikang bumalot at namagitan sa aming lahat. Laglag ang panga namin at tuloy tuloy ang agos ng aming mga luha. Nanlambot ang tuhod ko dahilan upang ako ay mapaupo sa semento.

Hindi. Hindi! Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala dito sa ospital. Gusto kong magbasag ng gamit. Naninikip ang dibdib ko. Ang sakit sakit sakit. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Tila may tumatambol sa puso ko at sa sobrang lakas ng pagtambol ay nabibingi ako. Gusto kong mamanhid. Parang huminto ang ikot ng mundo. Naramdaman ko na lang na natumba ako at dahan dahang napapikit at ang huling narinig ko na lamang ay ang pagsigaw nila sa pangalan ko at di ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari basta ang alam ko huli kong binanggit ang pangalan na taong mahal ko. Ang lalaking pakakasalan ko...sana.

'Kirby ko!'

To be continued...

Miaka_Pein

The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon