CHAPTER 2: THE PROPOSAL 1

106 23 38
                                    


AJ'S POV

WHAT IS LOVE? Sa katanungang iyan ay higit isang daan ang maibibigay kong kasagutan. Ngunit ang isa sa pinaka-nakaagaw ng atensyon ko sa pagbibigy kahulugan ng tanong na iyan ay iyong LOVE IS WHEN I LOVED YOU sa kanta ni Celine Dion.

Love is when I loved you Kirby Andrew Lopez.

Ang sabi nila noong umpisa nahulog daw ako sa kagwapuhan niya ngunit ang dahilan na yan na ata ang pinakahuling magiging dahilan kung bakit ko minahal ang isang Kirby Lopez. Mahal ko siya dahil mahal ko siya tapos!

Palubog na araw, nagpunta kami sa MALL OF ASYA DYALAWA kanina at kasalukuyan kaming nasa Enchanted Kingdom at hanggang ngayon ay tumatawa pa rin kami.

Common place for lovers but it will only be different depending on how will you be with your love.

Kahit nasaan man kayo magarbo o hindi man ang lugar nasa sa inyo iyon kung paano mapupuno ng pagmamahalan ang bawat sandaling mailalaan ninyo sa bawat isa.

Alam niyo ba ka kung bakit kami humahagalpak sa tawa?

Flashback

"Babe roller coaster naman!"pagaanyaya ko kay Kirby.

"Oh sige sige!"masiglang sagot niya.

Habang nakapila kami ay naagaw ang atensyon namin mula sa likuran dito sa pila. Maingay na magkasintahan ang nasa likuran namin.

"Honey sige na, andito na tayo sa pila oh! Grab na. Isang beses lang naman" sabi ng lalake sa honey-kuno niya. Pinipilit niya ito at mukhang napipilitan lang ang babae.

"Honey naman eh! Afraid ako sa heights remember? Baka magvomit ako diyan at baka mangyari iyong parang napanood ko sa Final Destination! Ahy I don't want na!"maarteng tugon ng babae roon sa kasamang lalake.

Nagtinginan kami ni Kirby bhe at pinagpatuloy ang pakikinig sa 2 Honeys dahil medyo mahaba haba ang pila.

"Honey please once lang! Masaya daw yan sabi ng barkada ko. And you know naman na I want to experience mga first times with you diba?" Pagmamapilit ng lalaki sa babae.

Medyo na green minded ako roon sa first time na sinabi niya kaya agad akong napailing at nakinig ulit.

"Tsk oh sige na nga hindi kita matiis! Pasalamat ka mahal kita!"pagsasang-ayon ng babae.

Napa "K. " na lang ako sa isip ko.

-matapos ang ride-

"Wooah enjoy babe!" ani Kirby

Sasagot na sana ako nang biglang may nagsisigaw sa likuran namin at nakita namin ang 2 Honeys. Pageywang geywang ang lalaki at sumisigaw ng "Waaaah ayaw ko na! Nahihilo na ako Waaaah mahuhulog na yata ako!"

Sumagot naman ang babae na puno ng pag-aalala "Honey nakababa na tayo. Nag-end na ang ride. Waah Honey anong nangyayari sa'yo?"

Sumagot ang lalake "Sino ka? Crispin! Basillio nasaan kayo? Waaah crispin bakit ka nandiyan sa roller nakakatakot diyan bumaba ka!" Sigaw ng lalaki at tila may kinakawayan na tao na isa sa mga nakasakay sa roller coaster.

Nagpatuloy sa kasisigaw ang lalake at umiiyak ang babae. Ilan sa mga napadaan sinasabing "Dalhin na sa mental yan!" Pero maya-maya may lumapit na red cross at isinakay ang 2Honeys.

Tahimik at tulala kaming naglakad ni Kirby papunta sa bench para umupo. Pagkaupo namin ay nagkatinginan kami at doon na namin inilabas ang kanina pa naming pinipigilan na tawa.

End of flashback

"Hahaha king ina! Siya nagyaya, siya ang naging Sisa! HAHAHA"tawang tawang sabi ko.

"Honey once hahaha lang hahaha please hahaha sab-hahaha sabi pa niya. Walangya natrauma ang bakla! Hahaha"tawang tawa na sabi rin ni Kirby .

Pagkatapos naming tumawa ay sumakay pa kami sa ilang rides. Nagstar gazing din kami at kung ano ano pa ang pinaggagawa at pinagtripan. Matapos niyon ay napagdesisyunan na naming umuwi. Isang oras ang biyahe. Sabi ni Kirby dumaan muna kami sa kanila.

February 14, 11:20 pm nang makarating kami sa mansyon nila. Pagkababa ko ng sasakyan ay may biglang itim na tela na itinalukbong sa ulo ko. Nagsisigaw ako at pilit na nagpupumiglas at tinatawag ang pangalan ni Kirby my loves pero hindi siya sumasagot. Naisip ko baka unattended or out of coverage area kaya napagdesisyunan ko huwag na lamang sumigaw. Dalawa ang nararamdaman kong nakahawak sa braso ko at hinahatak ako.

Sa oras na ito ay takot ang naramdaman ko at pag-aalala na baka kung anong ginawa nila kay Kirby ko.

Ilang lakad pa ang itinahak namin. Patuloy lamang bumubuhos ang luha ko. Nasa wow mali ba ako? Kasi kung nasa wow mali ako dapat mas maganda ang make-up ko. Nakidnap ba ako? Ano ito imamasaker ba kami? Naku po hindi ko pa naupdate si Diary kung anong nangyari ngayong araw. Natatakot na ako. Iyak lang ako nang iyak. Ngayon lang ako nakakita na pipi na kidnaper. Mahal ang laway nila king ina.

Maya-maya ay huminto na kami at kaktwang isipin na dahan dahan akong binitiwan ng dalawang pipi na kidnaper. Ang tahimik ng paligid. Hindi ko pa itinataas ang nakatalukbong sa akin dahil natatakot ako na baka mga bangkay ang makita ko. Kakatwang isipin ni hindi man lang nila ako sinaktan. Naisip ko itataas ko pa ba itong tela? Matulog na kaya ako ng ganito. Mangungulangot pa sana ako pero napagdesisyunan kong sa bahay na lang. Nabobored na ako. Kaya tinanggal ko ang tela.

Ang laki ng eyeballs ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napuno ng malakas na tawanan ang hardin nila Kirby . Ang ganda ganda ng paligid. Maraming nakasabit na puso. May mamahaling tela ang bawat round tables at nakaupo roon ang mga espesyal na tao sa buhay ko at sa buhay ni Kirby -ang buong pamilya ko, ang pamilya ni Kirby at ang mga kaibigan namin. Napatingin ako sa isang mini stage. May malaking tarpaulin na may mukha ko at mukha ni Kirby .  Nakatayo sa stage na iyon katapat ang mikropono ang lakaking paulit ulit kong minamahal. Ang lalaking mahal na mahal ko raise to the nth power.

"Hanep ka talaga January! Wala kang balak alisin ang talukbong haha" sigaw ni Andre na isa sa kabarkada namin ni Kirby

"Grabe ang pagpipigil ko sa tawa bestie. So slow ka talaga. Bakit kaya kita naging bestfriend at paano ka naging cumlaude?"biro ng bestfriend kong si Lena pero hindi ko iyon nagustuhan. Matapos niyang sabihin iyon ay napuno ulit ng tawanan ang paligid.

"Ahem ahem!" Sabi ni Kirby habang nasa stage.

Nakatitig lang ako sakanya. Maya maya ay lumabas mula sa backstage ang Atomic Band na ang leader ay ang dati kong crush na si Kyle. Sikat ang bandang iyan at nagrerecord na rin sa Little Star Magic. Si Kirby lamang ang kakanta. Nagsimula na tipain ang piano at tugtugin ang gitara at nagsimulang umawit ang lalaking mahal na mahal ko.

To be continued...

A/N
Next chapter ang part 2.

Lovelots
Miaka_Pein



The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon